Followers

Saturday, July 11, 2015

Double Trouble 39

DENNIS' POV

Nasira yata ang tiyan ko sa kinain kong macapuno candy. Nakatatlo akong balik sa toilet. Malas! Pero, suwerte pa rin dahil nakakatakbo pa rin ako roon at hindi ako naabutan sa classroom. Gusto ko na ngang magpaalam kay Ma'am kaso may quiz kami. Sayang!

Nagtataka lang ako kanina sa banyo. Tuwing lalabas ako, siya namang pagpasok ni Bruno. Hindi ko alam kung sinasadya nito o nasira rin ang tiyan. Kaya, ang pang-apat kong punta sa banyo--- hindi naman talaga ako magsi-CR, gusto ko lang malaman kung talagang nagkakataon lang na magkasunod kami.

Nagtagal ako sa banyo. Hinintay ko si Bruno. Ilang minuto ang lumipas, may dumating. Hindi ko lang makita kung sino, basta narinig kong pumasok sa katabing cubicle. Matagal ito roon kaya lumabas na ako at naghugas kunwari ng kamay. Sinubukan kong silipin ang sapatos nito, pero hindi ko makita. Naisip kong bumalik na sa classroom. Pero, nagulantang ako nang sumigaw ang nasa cubicle. May kumuha raw ng pantalon nito.

"O, Bruno!? Ikaw pala," kako nang lumabas itong naka-brief lang.

"Ikaw ang kumuha ng pantalon ko, 'noh!" bintang sa akin ng bakla. "Akin na! Ibalik mo `yon sa akin." Hinablot pa nito ang mga kamay ko.

Hinawi ko iyon. " Hindi ako ang kumuha!"

"Ikaw! Ikaw ang kumuha! Ayan o! Akin `yang suot mo!"

"Paano naman naging iyo `to? Kanina ko pa ito suot." Naasar na ako, pero kalma pa rin. Pero ang totoo, gusto ko na siyang bigwasan.

"Hubarin mo dali. Titingnan ko. May palatandaan ako no'n sa likod ng bulsa. Pangalan ko... Dali hubarin mo. "

"Hindi nga ito sa `yo!" Nakapagmura na ako.

"Pa'no natin mapapatunayan kung ayaw mong ipakita?"

Napilitan akong hubarin para lang matigil siya. Pumasok pa ako sa cubicle para maghubad ng pantalon tapos ibinigay ko kay Bruno. Habang tsinetsek nito ang palatandaan kuno nito, kinabakabahan na ako. Mukhang hindi yata tama ang ginawa ko.

"Akin nga `to. Dennis, akin `to."

Nang marinig ko iyon, nawala ang hiya ko. Lumabas ako upang agawin  kay Bruno ang pantalon ko. Kaya lang, saka namang nag-flash ang mga camera ng mga kaibigan nitong bayot din. Kuhang-kuha ang eksenang magkaharap kami ni Bruno--- parehong hubo.

"Hoy! Bumalik kayo rito. Delete n'yo `yan!" Gusto ko pa silang habulin, pero naisip kong hubo pala ako.

Nakangisi si Bruno habang inaabot nito sa akin ang pantalon ko. Ang pantalon naman nito ay nakasampay pala sa loob ng isang cubicle na pinasukan nito.

Minura-mura ko si Bruno habang nagbibihis kami.

Nag-dirty finger naman ito nang nakapagbihis na ako. Wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay mahanap ko ang dalawang kumuha ng litrato.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...