Followers

Sunday, July 12, 2015

BlurRed: Simbahan

Simbahan
Nawala ang problema ko nang  mag-away sina Mommy at Daddy kaninang tanghali. Para silang mga bata. Pinag-awayan nila ang saging. Ang dinig kasi ni Daddy ay ayaw ni Mommy, kaya kinain niya ito. Ayun! Kinurot-kurot siya ni Mommy. Tumakbo tuloy si Daddy sa tindahan para bumili ng saging. Pero, pagbalik niya, ayaw na ni Mommy. Si Daddy naman ngayon ang nainis. Nagsagutan na naman sila. 
Nakakatawa.
Later, narealize ni Daddy, na naglilihi pala si Mommy, kaya inunawa niya na lang. 
Hapon. Nagsimba kami. Sa simbahan, parang nakita ko si Zora o si Rona. Siya ang kasabwat ni Boss Rey sa Batangas para halayin ako. Dahil sa dami ng tao sa simbahan, hindi ko siya nalapitan. Isa pa, wala na akong pakialam sa kanya. Alam ko na naman na bading si Boss. Mag-iingat na lang ako. Ipinagdasal ko na lang ang mga kaluluwa nila.
Ipinalangin ko rin sina Riz at Dindee. Nais kon maging masaya si Dindee sa kanyang desisyon. Si Riz naman ay sana maging matatag sa mga pagsubok sa kanya. 

Siyempre, humingi ako ng gabay at matalinong pagpapasya. Si Riz ang hiningi ko sa Panginoon dati, pero si Dindee ang naging kasintahan ko. Ngayon naman, humingi ako ng sign kung siya pa rin ba. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...