Ramdam ko ang pag-iba ng pakikitungo ni Riz sa akin. Kung noong mga nakaraang araw ay halos ayaw niya akong makita, makatabi, makasama at makausap, ngayon naman ay halos ayaw niyang mawalay ako sa paningin niya. Lagi niya akong sinasamahan kahit sa pagpunta ko ng CR. Hehe. Sa labas lang naman. O kaya ay sabay kaming papasok sa toilet at sabay na aalis.
Para sa akin, isang magandang pagbabago ang nagaganap. Maisasakatuparan ko na ang panliligaw ko. Sa tingin ko naman ay hindi na niya ako pahihirapan dahil nasabi ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Tuluyan ko na ngang iwinaksi ang pag-ibig ko kay Dindee. Hindi na siya ang laman ng puso't isipan ko. Totoong nga pala talagang 'First love never dies'.
"Riz...'' sambit ko, habang nagkokpya kami ng report ng aming kaklase. Hindi namin kaklase si Fatima, that time.
"Yes...?"
Tumawa ako. "Wala..."
"Parang timang 'to... Sabihin mo na!" Galit siya kunwari.
"Galit ka na niyan?"
"Hindi pa! Bakit?" Naghihintay siya ng sasabihin ko. "Bakit nga?"
"Masaya... masaya ako kapag kasama ka. Ikaw?"
Napangiti siya. "Sus! 'Yun lang pala..! Oo naman!"
Dumaan ang anghel. Sampung segundo lang naman.
"Mas masaya sana kung walang... mga kontrabida. Haay! Kailan kaya sila malilipol?" Nag-tsk tsk pa siya bago nagpatuloy sa pagkopya.
I know what she means. Si Fatima pa rin ang pinoproblema niya. Good thing is unti-unti na niyang ibinabalik ang kanyang tapang. Kaya nga dapat ipakita at ipadamdam ko lalo sa kanya na lagi akong nasa tabi niya to protect her from kontrabidas.
No comments:
Post a Comment