"Akin na 'yang cellphone mo!" Pilit na inaagaw sa akin ng kaedad kong bata ang gadget ko. Nasa harapan ako noon ng aming bahay kubo.
Nanlaban ako. Hinawi ko siya at nagawa kong tumakbo paakyat sa aking tahanang yari sa kawayan, kahoy at pawid. Muntik na nga niyang maabot ang paa ko upang hilain ako pababa.
Sa kagustuhan kong maisalba ang aking cellphone, pinadulas ko iyon sa kawayang sahig at pasigaw na tinawag ang aking kuya. Sumagot naman ang nakakatanda kong kapatid pero parang hindi niya balak na ako'y pansinin.
Mabilis akong nakapasok sa bahay. Hindi na sumunod ang bata.
"Tulong! Mga kapitbahay, may magnanakaw!" sigaw ko sa may bintana. Parang nasa ikalawang palapag na ako dahil ang bahay namin ay nakaangat. May silong kami na animo'y isang mataas o malaking garahe pa.
Walang pagmamadaling naglakad palabas ng aming bakuran ang kawatan at maya-maya, nagsunuran na ang mga di ko kilalang mga tao. Mga mama na sila. Walang lingon-likod silang nagsunuran sa bata na tila isang kulto.
Nanghilakbot ako.
Noon din ay idinilat ko ang aking mga mata.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment