Followers

Thursday, July 9, 2015

BlurRed: OA

OA
Nakatingga lang ako sa bahay dahil wala pa ring pasok. Nakakabagot sa bahay. Nami-miss ko pa si Riz. Hindi na yata kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita at kasama. 
Iba na naman itong nararamdaman ko…
It's peg-ebeg!! Whoah!
Pero, bigla akong nalungkot nang mabasa ko ang reply ni Dindee sa PM ko sa kanya. "I'm not fine. Kalimutan mo na ako," sabi niya. May crying emoticon pa iyon.
Agad akong nagtanong kung bakit. Sinabi ko pang ayusin namin ang problema namin. Hindi pa kasi huli ang lahat. Hindi siya naka-online kaya maghihintay na naman ako ng ilang oras o ilang araw bago malaman ang sagot niya. Wala naman akong balak mag-load sa cellphone para ma-text o matawagan siya. Tama na sa akin ang nakikipag-communicate na uli siya through FB chat.
Maghapon kong inabangan ang reply ni Dindee, pero wala akong natanggap. Naglumikot na naman ang isip ko. 
Siguro... ayaw na niya talaga ako.
Siguro... gusto na niya akong kalimutan.
Siguro... ipinanauubaya na niya ako kay Riz.
Ang hirap mag-isip ng dahilan! Masakit sa ulo. 
Bago pa ako mabaliw sa kakaisip sa problemang puso, naisipan kong maggitara. Kahit hindi na ako tutugtog sa MusicStram, kailangan ko pa ring sanayin ang sarili ko para sa mga posibleng oportunidad. 
Nakatulong ito para makalimutan ko si Dindee. Kaya lang nang mapagod ako at nang tumihaya ako sa kama ko, nakita ko siya sa kisame. Nakangiti sa akin. 
Leche! OA ko.
Dumapa naman ako.
Sh*t! Naalala ko ang mga sandaling naglalambingan kami, nagkikilitian kami at nagsa-soundtrip kami.
Buwisit! 
Mabuti na lang ay maagang dumating si Daddy. Nakausap ko siya, habang si Mommy ang naghahanda ng hapunan namin.
Siya naman ang tinanong ko-- hindi tungkol sa virginity kundi sa ibig sabihin ng nangyayari sa amin ni Dindee.
"Kapag ganyan... huwag ka nang umasa," sagot niya. "Dalawa lang ang ibig sabihin niyan… Hindi ka na niya mahal o ‘di kaya ay mahal na siyang iba."
Napalunok ako. Mukhang lugi ako.
"Mahal mo pa ba?'' tanong uli ni Dad.
Tumango lang ako. Medyo, nahiya ako.
Tinapik niya ako sa balikat. "Iba si Dindee... Tingnan mo na lang noong hindi pa kayo, halos ipahamak niya ang sarili niya, makasama ka lamang dito sa Manila."

Napayuko't napaisip ako, kaya hindi ko na naunawaan ang iba pang sinabi niya. Natauhan yata ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...