Miyerkules.
Sa senyas ni Sir Legaspi sy lumapit ako sa kanya, bitbit ang aking gitara.
"I like your guts, Mr. Canales. Bihira ang lalaking katulad mo who can show his love to a woman..." litanya ni Sir Legaspi.
Alam ko ang tinutumbok niya. "Thank you, Sir!"
"Can you give us another song?"
I smiled and looked at Riz. Hindi siya umiling o nagprotesta. Basta, nabasa ko na lang sa mga mata niya na pumapayag siya. Saka kahapon nga, gusto niya pala akong tumugtog din. Ayaw ko lang kasi akala ko ay magagalit siya.
"It's my pleasure, Sir.." Then, sinimulan kong mag-strum.
Hiyawan, palakpakan at pagkakilig ang pumuno sa classroom habang nag-iinstrumental pa lang ako. Lalo pa itong lumakas nang bigkasin ko na ang unang salita ng aking ikatlong original composition.
Wow! Nagulat din ako sa sarili ko pagkatapos. Hindi ko akalaing makakanta ko iyon ngayong araw at ganun ka flawless. Parang matagal ko na itong kinakanta.
Pareho kaming naluluha ni Riz pagkatapos.
"Thank you, Red." pabulong niyang sabi nang nagsisimula na ang klase.
"Welcome. Salamat din for letting me serenade you in front of them.."
Ngiti ang iginanti niya sa akin. Speechless kaming pareho but we understand each other. I claim now that she's mine and I'm hers. Fatima cannot interfere with us.
No comments:
Post a Comment