Self-Help Book
Nakahinga ako nang
maluwag kahapon dahil absent si Fatima. Naging malaya kami ni Riz. Hindi ko nga
lang alam kung bakit gusto kong i-drop ang subject kung saan kaklase namin
siya. Iba ang takbo ng isip niya. Hindi siya normal magkagusto sa isang tao.
Player siya. Kaya niyang paglaruan ang mga nasa palibot niya.
Ayaw naman ni Riz
na i-drop ang subject. Sayang daw. E, ‘di, hindi ko na rin ida-drop. Dapat
kasama niya akong palagi.
Kaya nga, kagabi,
isinama ko siya sa MusicStram. Ipinagpaalam ko muna siya sa kanyang mga
magulang. Malaki raw ang tiwala nila sa akin, kaya pumayag sila agad.
Kinanta ko ang
tatlong original compositions ko. Nagustuhan ni Riz lahat. Hindi niya alam na
ang una ay ginawa ko para kay Dindee. Nagustuhan din ng ilang customer ang
'Problema Lang 'Yan'. Pero, si Boss Rey, hindi! Pinatawag niya ako kay
Jeoffrey. Naiwan si Riz, kausap ni Jeoffrey.
"Epic fail na naman ang performances
mo." Ang
negative facial expression niya ay sapat na iparamdam niya ang bitterness
niya.
Hindi ako
kumibo.
"Hindi ka naman sikat na soloista para
original composition lahat ang i-perform mo!" dagdag pa
niya. "Ano
na lang ang sasabihin ng mga parokyano natin? Oo! Magaling ang pagkakanta mo!
Ang tanong, may naaliw ba? May naka-relate ba? Puro ka pag-ibig, e! Unahin muna
ang trabaho. Negosyo ito, Red!"
Hindi ko napigilan
ang sarili ko. "Nagagalit po ba kayo dahil ang mga kinanta ko original o dahil
may kasama akong babae?" Tumayo na ako.
"Ano? Walkout mode ka na naman? Ganyan ka
naman, e!" Tumayo
rin siya at agad na humarang sa daraanan ko.
"Pera lang naman 'yan, Boss! Ayaw ko
lang po ng minamaliit ang kakayahan ko. Wala naman sa kontrata na bawal kumanta
ng ‘di sikat na kanta..." Hinawi ko siya. Nahawakan niya ang braso ko.
Tiningnan ko iyon.
Awkward.
Binitawan niya ako.
"Ang
hirap mong paamuin, Red! Lahat na, ginawa ko…" Nag-iba ang
tono ni Boss Rey. "Lahat na lang ng diskarte ginawa ko na." Tapos,
bumalik siya sa kanyang swivel habang ako ay ‘di natinag sa kinatatayuan ko. "Pati
si Jeoffrey, ginamit ko na... Tapos, ganyan lang!" Nagmura
siya nang napakalutong.
"Hindi ko naman hiningi ang ganyang mga
bagay mula sa inyo! Alam niyo rin po na hindi ako papatol!" May diin sa mga
tinuran ko. "Sige po, hihintayin ko na lang na matapos ang kontrata na
pinirmahan ko para makahanap na ako ng bagong employer na mas respeto sa
empleyado. Goodnight!"
Nang tumalikod ako
at aktong iikutin ko na ang door knob, tumama sa likod ko ang self-help
book.
Pinulot ko ito.
"How to Win a Man's Heart: the Bisexual Tips" ang title. Tiningnan ko
siya. Inihulog ang aklat saka ko binuksan ang pinto.
Tahimik kong
kinuha ang palad ni Riz at bahagyang hinila palabas ng bar.
"Red, uwi na kayo?" Narinig ko
pang tanong ni Jeoffrey, pero wala akong sagot.
Hindi alam ni Riz
ang tungkol sa kabaklaan ni Boss Rey. Sabi ko lang sa kanya, na minaliit niya
ang mga kanta ko. Naawa siya sa akin. Kahit paano ay naibsan ang sama ng loob
ko nang yakapin niya ang tagiliran ko habang naglalakad kami.
No comments:
Post a Comment