Break
Hindi ko alam kung
malulungkot ako o matutuwa sa reply ni Dindee. Aniya, break na kami. Nag-sorry
pa siya. Sinubukan ko namang mag-type ng reply, pero ilang beses lang akong
nag-delete. I end up with no comment.
Masakit. Nasaktan
ako. Ganoon na lang kasi para sa kanya ang ilang buwan naming relasyon. Ni
hindi ko alam ang dahilan niya. God knows, hindi (pa) si Riz ang dahilan. Out
siya rito. Distance. Tama. Distance nga ang dahilan. Nakakapanlamig nga ang
layo.
Napansin ni Riz ang
katahimikan ko, pilit ko mang itago. "Wala na kami ni Dindee," sabi
ko.
"Mahal mo pa siya?"
Nag-isip ako. Mahal
ko pa ba? "Hindi
naman kami nag-away, e. Wala naman sana kaming dahilan para maghiwalay."
"Ang tanong ko... mahal mo pa ba?!"
Tiningnan ko siya.
May kislap sa kanyang mga mata. Naghihintay siya ng anumang sagot mula sa akin.
Kumibot ang mga
labi ko. "A...
May… may iba na akong mahal."
Bumitiw ako sa
pagkatitig sa kanya. Hindi ko pa kayang sabihing siya ang mahal ko.
Parang narinig kong
sinabi niyang ‘Okay.’
Dapat ko na nga
munang pag-aralang wala na si Dindee bago ako magtapat kay Riz. Mahirap
ipagsabay ang kabiguan at muling pag-ibig.
No comments:
Post a Comment