Followers

Saturday, July 11, 2015

BlurRed: Complicated

Complicated
Hindi talaga ako mapakali sa status ng relasyon namin ni Dindee. Napaka-complicated. Hindi tuloy ako makapag-decide kung itutuloy ko ang nararamdaman ko para kay Riz o aayusin ko ang sa amin ni Dindee. 
Ang hirap! Ang labo.
Tatlong beses kong tinawagan si Dindee, pero hindi niya sinagot. Nagri-ring naman. 
"Hello, Karrylle! Kumusta?" Hindi ko na siya hinintay na magsabi pa kung okay siya o hindi. "Kumusta kaya si Dindee? Nagkikita pa ba kayo o nagkakausap?"
"Mayo pa kami huling nagkita. Noong isang, araw nag-text kami. Bihira lang kaming magka-chat sa FB... Bakit? Kumusta na ba kayo?" tanong naman niya sa akin.
Mahaba ang naging usapan naming, kaya nakahingi ako sa kanya ng advice. Aniya, huwag ko na raw suyuin. Ganyan daw ang babae. 
“Okay,” sagot ko.
Wala naman siyang clue kung bakit kailangan kong malaman kung may aasahan pa ako o wala. Mas interesado kasi sana siyang makibalita tungkol kay Jeoffrey. 
"Huwag na 'yon! Hindi ka kayang mahalin n’yon..." Iyon lang ang nasabi ko, tapos nagba-bye at nagpasalamat na ako sa time niya. 
Tama naman si Karryle. Hindi na ako dapat umasa kay Dindee. Una, siya na ang nagsabing kalimutan ko na siya. Slow ko naman kung ‘di ko pa maunawaan ‘yon. 
Nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay nakawala ako sa hawla. Makakabalik na ako sa tunay kong hawla--- kay Riz. 
Ilang buwan din akong nakulong sa puso ni Dindee. Aminado akong naging masaya ako sa piling niya. Marami akong natutuhan. Siya ang una kong pag-ibig, kaya siya ang nagpadama sa akin ng mga 'una', maliban sa sex. Nag-mature ang isip ko dahil sa kanya. Nabuo ang pamilya ko dahil sa tulong niya. Naging inspired akong mag-aral dahil sa kanya. Pero, dahil sa kanya... nawala si Riz.
Si Riz. Si Riz, na siyang dapat una kong pag-ibig, ay na siya na lamang sasalo sa aking kabiguan. 

Para kaming pinaglaruan ng tadhana...

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...