NSTP
NSTP time. Parang
wala ako sa sarili ko. Ka-text ko kasi si Jeoffrey. Panay ang paliwanag tungkol
sa pagpapagamit niya kay Boss Rey para lang makuha ako. Halos mamura ko siya sa
text.
"SoRi brO. D q
nmn tLg gstong mkUha k nia.. Kya nGa d q nmn snseryso ang mga pnpgWa
nia.." Todo explain ang mokong.
Ayaw ko na sanang
mag-reply kaya lang may nasabi siyang plano. Nalaman ko tuloy na may plano pa
nga raw na lasingin ako upang magawa niya ang gusto niya. SH*T!
Nagdesisyon na
akong hindi na tumugtog sa bar niya. Alam kong ‘di naman niya ako kakasuhan ng
breach of contract dahil malalamam ng lahat ang baho niya.
"Maghahanap na
lang ako ng ibang bar na matutugtugan. Ayaw ko na sa MusicStram." Walang
pinagmulang sabi ko kay Riz. Naisip ko lang, kumbaga.
"Tama 'yon! ‘Di
maganda ang trato sa 'yo ng boss mo. Dapat nga matuwa siya dahil kompositor ka
pa."
Hindi ko lang
talaga masabi ang mas mabigat na dahilan.
Pagkatapos ng NSTP,
naglakad-lakad kami sa park. Nakakawala ng stress kapag kasama mo ang taong nagbibigay
sa 'yo ng ngiti, pag-asa, at saya. Gusto ko ngang hindi na matapos ang araw.
Masama lang ang panahon, kaya kailangan na naming umuwi. Gayunpaman, halos
napawi niya ang lumbay ko. Mami-miss ko siya bukas--- Sunday. Sana yayain niya
akong magsimba. (Torpe ko.)
Pag-uwi ko naman,
nasa bahay na si Jeoffrey. Gaya ng dati, marami siyang dalang pagkain na galing
sa kanyang lover na boss. Tapos, may nakasobre pang pera.
"Sorry raw,"
sabi sabay abot ng sobre.
"Hindi ko
kailangan 'yan. Pakisabi na lang. Pakisabi na rin na i-cancel na niya ang contract
ko. Diyan ka muna. Magbibihis lang ako."
"A, hindi na.
Uwi na rin ako. Iwan ko na ito lahat dito. Sorry nga pala, bro… Sana,
magkaibigan pa rin tayo." Inabot niya ang palad niya sa akin. Nang ‘di ko
inabot, binawi niya ito at lumapit siya sa akin para tapikin ang balikat ko.
"Masarap kaming magmahal, Red," halos pabulong niyang sambit bago
tumalikod.
Nakamaang ako.
Hindi ko agad naunawaan ang sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanyang
paglabas sa aming bakuran.
"Sorry, Red,"
sabi sa note na nakalagay sa sobre kasama ang limang libong piso. "You
really can't understand me."
Hindi ko
ikinatutuwa na may nasasaktan dahil hindi ko sila puwedeng mahalin.
Nakakalungkot din. Pero, kasalanan naman nila. Sila ang nagpapahirap sa
kanilang sarili.
No comments:
Post a Comment