Followers

Thursday, July 23, 2015

BlurRed: Insecure

"Bakit ba, Red?" iritadong sagot-tanong sa akin ni Riz nang tanungin ko siya kung bakit ayaw niyang umupo sa tabi ko.
"Wala. Miss lang kita." Nginitian ko pa siya para mawala ang inis niya.
"Lubayan mo ako, Redondo kung ayaw mong tuluyan akong magalit sa'yo. Wag ngayon.."
Para akong napahiya. Ibang-iba siya kanina. Hindi na ako nagpumilit pang lumapit. Nagkasya na ako sa pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi ko man lang siya nahuling tumingin sa akin o kahit kina Fatima. Gusto talaga niya akong layuan.
Okay na sana ang lahat, kaya lang nagparinig na naman si Fatima. Hindi na nakapagtimpi si Riz.
"Anong problema mob a sa'kin, ha, Fatima? Insecure ka?" sabi niya.
Wala na doon ang prof namin kaya malakas ang loob ng dalawa.
"Wala! Bakit naman ako magkakaproblema sa'yo? Nasaktan ka ba sa sinabi kong nag-iinarte?Bakit ikaw bay un? Siguro nga.."
"Siguro nga, ako nga! Eh, ano naman sa'yo kung nag-iinarte ako?"
Lumapit na ako kasi lumapit na si Fatima sa kanya. "Tama na 'yan." Inilayo ko na si Riz kay Fatima. "Labas na tayo.."
"Ayan! Ayan, ang arte mo! ALam mo kasing may susuyo sa'yo. Tse!!" Narinig ko pang sinabi ni Fatima.
Galit na galit siyempre si Riz. Pero, imbes na gatungan, inalo ko siya at pinayuhang magapakahinahon dahil siya lang naman ang magiging talo.
"Umiwas ka na kasi sa akin! ANg kulit mo, e! Kaya ko ang sarili ko!'' Tinulak-tulak niya pa ako.
Hindi ako umalis. Ngayon niya ako mas kailangan. Gaya nang naisip ko kagabi, hindi ako aalis sa tabi niya. Kahit ang paningin ko ay ipapako ko sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...