As I search for my angel, I pursue playing games with Lanie. Hindi niya ako tinatantanan. Kahit pipikit na lang ako, tatawag pa siya para mag-good night. From time to time, she sends text messages just to remind me of the things I usually and regularly do. Nakakabuwisit! Pero, hindi ako nagpakita o nagparamdam ng pagkainis. I play her game.
Pretension is her game. Now, I play it, too.
My mom and dad are so overwhelmed to the fact that I'm happy with my relationship with Lanie. Yes, I'm happy, too! I'm happy being a player.
"Magkita tayo sa MegaMall." I said when called her.
Nagulat siya pero agad na nag-commit at nagtanong ng iba pang details ng date namin. I could sense the excitement on her.
Alam ko, nakakaramdan na siya ng mutual feelings because in the past few days na nagdidate at nagkikita kami, I showed her sweetness. I see to it na kikiligin siya every time na hahawakan ko ang kamay niya habang naglalakad.
The only thing I can't share with her is the captured moment. Ayokong makipagselfie sa kanya dahil ayokong magkaroon siya ng ebedinsiya na nagmahalan kami.
Yes, it's mean! Pero, siya ang nagsimula nito. Hindi ko lang kayang madisappoint ang mga magulang ko.
"Hi, Love!" nakangiting bati ni Lanie.
"Hi!" I kissed her cheek.
"Sa'n tayo?" Kinalawit na niya ang baywang ko.
Inakbayan ko naman siya at nagsimula kaming maglakad. We don't talk about us, about love and about the things I did in our past date. At, gaya nang dati, we talk about our studies on the way. It's mutual. Tapos, magugulat na lamang si Lanie na naroon na kami sa aming dating place.
"Andaming tao! Anong meron?" takang tanong ni Lanie habang papalapit kami sa isang venue hall.
"Book signing event. Dito ko maaaring makita ang Ms. Right ko." I answered happily. Then, I unhooked from her to show my eagerness to fall in line for an autograph.
When I looked back from the queue, I saw her in akimbo.
Gotcha! I win the mutual game!
No comments:
Post a Comment