Followers

Monday, July 6, 2015

BlurRed: Katawa-tawa

Katawa-tawa
May bagyo. Ang sarap matulog. Ayaw ko sanang pumasok, kundi lang sa tawag ni Riz. 
Natatawa ako sa pagpapapilit ko sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam, na kailangan niya pa akong pilitin para pumasok at para may kasama siya sa school. 
"Kundi lang kita name-miss..." banat ko pa.
"Hoy, Redondo, may namimiss ka pang nalalaman, e, noong Sabado magkasama pa tayo!" galitan-galitan niya.
Tumawa lang ako. "Sige na. Papasok na po. Maliligo na po ako,  Miss." 
"Hmp! Bye na nga!  See you later! Ingat!"
"Ikaw rin."
Nakalimutan naming may Fatima palang asungot sa samahan namin. Nahuli niya kaming magkaharap ni Riz at nagtatawanan dahil sa mga ipinakita niyang FB posts. 
Kumurba ang mga kilay ni Fatima. Umismid pa. Hindi naman namin siya pinansin. Tinuloy pa rin namin ang kulitan at tawanan.
"Nakakairita ang tawa mo, Riz. Sana hindi ako ang pinagtatawanan ninyo." Nakalapit na pala si Fatima sa amin. 
Nagulat kaming pareho ni Riz. 
Si Riz ay hindi agad nakapagsalita. Ako na lang ang sumagot. "Bakit ka naman namin pagtatawanan? Meron bang katawa-tawa sa 'yo?" sarkastiko kong tanong. 
"Wala! Pero kung meron man dapat pagtawanan dito ay ang taong nagmamalinis. Iyon pala'y may tinatagong mabahong lihim!" Tumawa siya habang gumiwang-giwang ang balakang na lumayo sa amin. 
Alam naming pareho ni Riz na may pinupunto siya. Inalo at pinakalma ko siya, pero palihim siyang lumuha.
Kinausap ko si Fatima, pero matigas siya. Ayaw niya akong pakinggan. Ang kanya ay kanya. Hindi niya raw kayang magbulag-bulagan. 
Ang labo niya! 
Sabi ko nga, babae rin siya. Sana naunawaan niya si Riz, na kapwa niya babae. 
Umiwas lang siya.

Dahil birthday ko ngayon, sinikap kong maging masaya ang araw ko, pati na rin ang araw ng mahal ko. Tinulungan ko siyang ngumiti sa kabila ng pang-aaway ni Fatima sa kanya. Nakita ko naman at naramdaman, na nagbago ang kanyang pakiramdam lalo na nang magkasalo kami sa isang dinner table. Ninamnam ko ang mga sandaling iyon, na kasama ko siya. Kaya. nang naghiwalay kami, parehong busog ang mga tiyan at puso namin.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...