Respeto
Hindi ako pumasok
dahil sa malakas na ulan. Wala ring pasok si Mommy. Sayang, si Daddy lang ang
may pasok. Buo sana kami. Pero, ayos lang. Nakapagkuwentuhan kami ni Mommy. Serious
talk. Tungkol sa virginity. Naglakas-loob akong itanong sa kanya kung birhen pa
ba siya noong ikinasal sila ni Daddy. Oo raw.
"Mahalaga ang virginity, Red," dagdag pa
niya.
Parang nalungkot
ako. Naisip ko kaagad si Riz. "Bakit naman po?" tanong ko
kahit alam ko naman ang sagot. Gusto ko lang ikubli ang kalungkutan ko para kay
Riz.
"Mas mataas kasi
ako ang respeto ng lalaki sa babaeng birhen. Tingnan mo na lang ang nangyari sa
amin ng Daddy mo. Naghiwalay man kami... pero nando’n pa rin ang pagmamahal
niya at respeto."
Tama naman siya.
Hindi na nga lang ako nakapagkomento. Ayaw kong mapag-usapan namin si Riz. Alam
kong hindi niya gugustuhing maging kami ni Riz dahil sa kanyang nakaraan.
Gayunpaman, handa akong ipaglaban siya kung sakali. Kung tutuusin, isa ako sa
may kasalanan sa nangyari sa kanya. Hindi ko siya ipinaglaban. Hinayaan ko lang
na mahulog ako sa puso ni Dindee at hinayaan ko lang na makipaglaro siya kay
Leandro. Huli na ang lahat nang mailigtas ko siya sa kapahamakan..
"Bakit mo naitanong, ‘nak?" Nagulat ako
sa tanong ni Mommy. Interesado pala siya sa topic namin.
"A... e, wala lang po. May nabasa po kasi
akong novel." Dinivert
ko ang attention niya sa pamamagitan ng paglipat-lipat ng channel sa
telebisyon. Then, pumasok na ako sa aking kuwarto. Doon ay nag-FB ako.
Nakita ko ang post
ni Dindee. Sabi niya: "Sorry…"
Hindi ko alam kung
sino ang pinatutungkulan niya. Binasa ko ang mga comments doon, pero wala akong
nakitang clue. Hindi kasi siya sumagot sa mga friends niya.
Napansin ko ring
wala siyang masyadong na-post na pictures. Tinanggal niya nga ang iba na kasama
ako. Inalis niya ang pagkakatag ko sa kanya.
Nakakalungkot.
Unti-unti na nga niya akong tinatanggal sa buhay niya.
"Musta ka na, Dee? Miss na
kita!" Iyan
ang message na iniwan ko sa kanya bago ko in-off ang desktop ko.
Umaasa akong magre-reply siya.
No comments:
Post a Comment