Followers

Thursday, July 23, 2015

BlurRed: Sinsero

Kagabi, hindi ako agad nakatulog. Nagplano ako ng mga gagawin at sasabihin para kay Riz. Kanina, nakiusap ako kay Riz na huwag niya akong itaboy nang magkasarilinan kami sa isang di-mataong lugar sa school.

"For goodness' sake, Riz, wag kang makulit! Si Fatima na lang ang samahan mo. Baka mas kailangan niya ng kalinga mo!" mariin niyang sinabi.

"Ako ang magkakampi mo.."

"Hindi ko kailanagan ang kakampi, Red.. Kailangan ko ng respeto." Tumalikod na siya't lumakad ng mabilis, palayo.

Ayokong makakuha ng atensyon kaya di ko na siya hinabol. Sinundan ko na lang siya. Sa classroom naman siya pumasok kaya lang sa unahan siya pumuwesto. Dati-rati ay nasa likuran kami. Sinubukan kong tumabi sa kanya pero tumayo siya't pumagitna naman sa dalawang kaklase naming babae.

Hindi ako mapakali sa mga kinilos niya. Hindi ko siya maintindihan. Kaya, hindi rin ako maka-focus sa report ng kaklase namin. 

"Riz..." Nahuli ko ang kamay niya nang palabas na kami. "..wala naman si Fatima. Bakit kailangang gawin mo ito?''

Tumingin-tingin muna sa palibot. Wala na ang mga kaklase namin. "Look.. umiiwas ako sa'yo dahil hindi naman nakakatulong ang samahan natin. Lagi na lang may kontabida. Hindi na ako natutuwa.."

Gusto kong matuwa sa tinuran niya. Nagseselos lang pala siya. Bagkus, nagseryoso ako. "Nagkakataon lang 'yun, Riz. Hayaan mo sila. basta ang alam ko, ikaw ang gusto ko.. ikaw ang gusto kong kasama.."

"Andyan na ako... pero paano ang mga baliw na baliw sa'yo. Ang gwapo mo, Red! Ikaw na! Ikaw na ikaw na. Kahit saan ka ipunta, laging may napraparaning sa'yong babae... Apektado ako, Red. Hindi mo ba ramdam. Apektado ako dahil ako.. ako ang inaaway nila. pati lihim ko, pati ang baho ko, kinakalkal nila para siraan.."

"Handa akong ipaglaban ka, Riz.. Let me be with you.." Kinuha ko ang kamay niya. Tinitigan ko siya upang ipakitang sinsero ako.

Binawi niya ang kamay niya. "Leave me alone." Then, lumayo na siya.

Nalungkot ako sa reaksyon niya. Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...