Followers

Tuesday, July 14, 2015

BlurRed: Solusyon

Solusyon
Sa canteen, ikinuwento ko kay Riz ang sinabi ni Dindee, na kalimutan ko na siya. Hindi siya umimik, pero agad siyang tumingin sa akin. Makahulugan.
"Handa na akong kumawala sa kanya, Riz." sambit ko habang inuubos niya ang kanyang softdrinks.
Nagpunas siya sa kanyang mga labi bago nagsalita. "Pag-isipan mo ang mga bagay na gagawin mo. Hindi maganda ang nakakapanakit ka ng babae..."
Naging speechless ako sa tinuran niya. Hindi ko agad maarok ang kahulugan niyon.
"Ilang araw ko na itong ipinag-isipan, Riz. Ilang araw... linggo, at buwan na rin kaming walang pormal na komunikasyon ni Dindee." Tumingin muna ako sa grupo ng estudyanteng parating, baka naroon si Fatima. Wala siya. "Sa tingin mo, okay pa kami?"
"Ayusin mo. Hindi maaayos ang problema kung isa pang problema ang gagawin mo."
"Hindi naman problema ang gagawin ko. Solusyon."
"Solusyon? Solusyon ba ang kumalas ka sa kanya nang gano’n na lang?!" Napataas yata ang boses niya, kaya nagtinginan sa amin ang ibang naroon.
"Ewan ko. Hindi mo ako mauunawaan ngayon..."
Lumayo na kami sa lugar na iyon at hindi na kami muling nakapagbukas ng ganoong usapan dahil naging subsob na kami sa mga lessons. Ceasefire din yata si Fatima. Patingin-tingin na lang sa amin.
Pusong-babae pa rin talaga ang gumagana sa katawan ni Riz. Ayaw niyang may kapwa-babaeng masasaktan. Pero, hindi niya alam, nasasaktan din ako sa ginagawa ni Dindee, kaya dapat na sana siyang hiwalayan.
Pero, paano ko mapapatunayan kay Riz na hiwalay na kami?

"Dee, sabihin mo uli sa akin na talagang ayaw mo na. Please... Kailangan kog malaman." Iyan ang PM ko kay Dindee. Sana bukas ay may reply na siya. Mas matutuwa ako kapag negative ang sagot niya. Para ito sa amin ni Riz. Siya naman talaga ang first love ko. Hindi ko na siya puwedeng pakawalan pa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...