Followers

Sunday, July 26, 2015

BlurRed: Patak ng Luha

Pagkatapos ng aming NSTP, sinundan ko si Riz dahil gusto na naman niya akong iwasan. Nahawakan ko siya sa braso pagkatapos niyang subukang tumakbo. "Tama na, Riz!"

Huminto siya at tingnan niya ang kamay ko sa braso niya na mahigpit na nakahawak. Tinanggal ko ito at nag-sorry ako.

"Tama na, Riz. Hindi naman makakatulong na iwasan mo ako.."

"Anong tama?" Sarkastiko siya. 

Napatda ako. Ano nga ba? "Mag-usap tayo sa... sa private place. Wag dito.."

"Ako naman ang pakinggan mo... Tama na. Umiwas ka na lang sa akin." Tumalikod na siya at naglakad palayo.

Hindi ako sumuko. Sinundan ko siya. "Pagbigyan mo akong kausapin ka ngayon. After that, saka mo sabihing layuan kita.."

Pumayag siya. Kahit di ko inaasahan na mangyayari ito, tila handa akong dalhin siya sa di-mataong lugar-- sa Japanese Garden. 

"Pumayag akong makipag-usap sa'yo, but I doesn't mean na pumapayag akong magtagal." umpisa ni Riz.

"Salamat, Riz. Pakinggan mo na lang ako para mabilis tayo."

Tumango siya.

I cleared my throat. "Sana... malaman ko ang nararamdaman mo. Sana sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit kailangan mong gawin ito. Hindi ko maintindihan, Riz. Ang alam ko lang... hindi mo gusto ang mga ginagawa sa'yo ni Fatima. Pero, I assure, kaya nating talunin siya kung... kung magkasama tayo." Tiningnan ko muna siya. Wala siyang balak magsalita. " Wala na kami ni Dindee. Pinutol na niya. Tanggap ko na rin naman. Matagal na. Simula pa nung... nung... Basta matagal na. Masakit sa una pero mabilis ko lang natanggap dahil... andyan ka na tumulong sa akin. Riz, maniwala ka man sa hindi, laman ka lagi ng isip ko..."

"Red, alam ko ang tumatakbo ng mga salita mo. Gaya ng sinabi ko, pag-isipan mo..."

Natigalgal ako ng ilang sandali. "Gabi-gabi kong iniisip ang bagay na ito. Alam mo bang isa lang ang sinasabi nito..." Tinutop ko pa ang dibdib kung saan malapit ang puso ko. "...ikaw talaga ang mahal ko." Nahiya ako pero sinikap kong tumitig sa kanya.

Kumibot ang mga labi ni Riz. Kumislap ang kanyang mata. Tila isang patak ng luha ang nais lumabas.

"Riz... mahal na mahal kita." 

Umiyak si Riz. Hindi ko alam kung bakit. At nang tumigil siya. Nagpahatid na siya sa sakayan. 

"Salamat, Red." sabi niya bago siya sumakay. 

Naging palaisipan sa akin ang reaksiyon niya. Alam kong nag pag-iyak niya ay luha ng kaligayahan pero kailangan kong malaman mula sa kanya. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...