Followers

Monday, July 27, 2015

BlurRed : Professor

"Sir, excuse me.." Binati ko pa ang professor namin nina Riz at Fatima, bago siya pumasok sa classroom. Inabangan ko talaga siya sa labas.

"Yes, Mr. Canales!" Ngumiti pa siya at nagtanggal ng eye glasses.

"Sir, pwede po bang humingi ng ilang minuto sa period niyo para tumugtog ako nito." Itinaas ko pa ang gitara ko. 

"Oh, that's  nice. Musician ka pala... Sure! Sure! Come.." 

Pumasok na siya. Sumunod ako pagkaraan ng ilang segundo. Binati naman siya ng mga kaklase ko. Ako naman ay umupo muna sa likuran. Wala doon si Riz. Malamang nasa gitna siya kasama ang iba namin tahimik na kaklase. Hindi ko talaga siya tiningnan.  

"How's the reporter today?" tanong ng propesor.

"Ako po, Sir." turan ni Anthony.

"Okay! I'm asking for couples of minutes for Mr. Redondo Canales' performance. Let's give him a hand." Pumalakpak pa si Sir. Sumunod na ang mga nasorpresa kong mga kaklase.

Para akong newbie kasi ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nangangatog ang mga tuhod ko habang lumalakad ako patungo sa harapan.

I cleared my throat. I also thanked the professor for letting me perform. Then, sinimulan kong i-strum ang aking gitara. Naghiyawan agad ang mga kaklase ko dahil nahulaan nila ang tutugtugin at kakantahin ko--- All Of Me.

Sinulyapan ko si Riz sa kalagitnaan ng pagtugtog ko. Nasilayan ko ang ngiti sa kanyang mga labi na kagyat niyang ikinubli. Alam kong nagugustuhan niya ang ginagawa ko, gaya ng mga kilig na nararamdaman ng karamihan.

Si Fatima, hindi magkamayaw sa pagtingin sa akin at kay Riz. Malikot ang kanyang mga mata. 

Dumami na rin ang mga usisero at usisera sa may pintuan. Hindi sila pinaalis ni Sir. Kaya naman, lalo akong ginanahan sa pagkaskas ng gitara ko at pag-awit. Kahit ako ay hindi makapaniwalang mas gumanda ang tinig ko.

"More... more!" hirit ng mga kaklase ko. 

"Thank you very much, Sir... and to all of you." Hindi muna ako umalis sa unahan. "...That song is lovingly dedicated to my... dream girl, Riz."

Isang malakas na hiyawan, palakpakan at kantiyawan ang pumuno sa silid. Kilig naman ang umiral sa puso ng karamihan, maliban kay Fatima na hindi ko maipinta ang mukha. Pati si Sir ay kinilig din yata..

Halos, hindi agad nakapag-report ang reporter dahil naging interesado pa ang prof namin sa relasyon namin ni Riz. Hindi na lang kami nagkomento pareho. Nakakahiya na kasi. Isa pa, alam kong ikakagalit na naman niya iyon. Pero hindi... Hindi siya nagalit. Nang, nilapitan ko siya, after class, nginitian niya ako. 

"Nagustuhan mo ba... ang... ang kanta ko?'' Nautal pa ako. 

"Masyado kang mapangahas, Red." mahinahon niyang sgaot, pero may diin. "..Lalo mo lang akong ipapahamak."

Nag-usap kami pero saglit lang dahil may next period pa kami. Sabi niya, huwag ko na raw uulitin. Sabay talikod.. Alam ko naman na nakangiti siya. If I know, kinilig siya.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...