"Good evening, Mom!" bati ko sa aking ina, na kasalukuyang may kausap sa telepono. Kinawayan at nginitian niya lang ako. Then, I kissed her cheek.
She hand signaled to me. Hintayin ko raw siya. So, I sat down the sofa in front of her.
"Yes..it's true!" sabi niya sa kausap. "He's already here. Yes.. Okay,I'll tell him. Bye, Lanie, my lovey dove! Muaah!"
Biglang nawala ang enthusiasm ko nang marinig ko iyon. Si Lanie pala ang kausap niya. Tindi makasipsip sa magulang ko. Pasweet masyado.
"Zil, I love you raw sabi ni Lanie."
I tried to smile. "Thank you, Mom. Bihis muna ako." Binilisan ko ang pag-akyat para wala na akong marinig pang kuwento ni Mommy tungkol sa great pretender kong girl friend.
"I will never ever like a pretender. NEVER!" Iyan ang agad na ipinost ko sa FB ko pagkabihis ko.
Na-seen agad ito ni Lanie, alam ko. No comment lang siya. Then, tinawagan ko siya sa cp. Niyaya ko siyang samahan ako bukas sa mall kasi may bibilhin akong gift para sa kanya. It's our one monthsary namin, sabi niya nung isang araw. Kahit wala akong maalala na nilagawan ko siya, sige na lang.
Kinabukasan, nagkita kami sa harap ng isang boutique. Abot-tainga ang ngiti ni Lanie nang batiin ko. Kaya lang, naglaho iyon dahil niyaya ko siya sa isang sikat na bookstore.
"I love to read. How about you?" tanong ko sa kanya.
Nagulat yata siya sa tanong ko dahil nautal siya sa pagsagot ng oo.
"That's great!" Then, I let her look for the book she likes. Bumili naman ako ng Tagalog literary magazine.
"Let's go!" kinalawit ko na ang braso niya sa braso ko. Tapos, inabot ko na ang gift ko sa kanya.
"Liway...?" gulat na gulat niyang tanong. Pero, hindi na niya itinuloy.
Nagwagi na naman ako.
Ayokong magpretend. Never kong ipapakita na mahalaga siya sa akin. Kaya nga ipinapakita ko kung ano ang deserve niya. Matuto muna siyang magpahalaga sa literatura bago ko siya mahalin.
No comments:
Post a Comment