Malaya
“I miss you!” Tinext ko si
Riz, pagkagising ko. Alas-diyes na yata iyon. Walang pasok, e. Hindi muna ako
bumangon. Inabangan ko ang reply niya. Kaso, wala yata siyang load. Bumangon na
lang ako at pinagtripan ang tiyan ni Mommy. Ang laki na, e. Kain kasi nang
kain.
“Sarap kumain, e!” sagot niya sa biro ko. “Kain ka na do’n.”
“Si Daddy po?”
“As usual, nasa bonsai garden niya.”
Nagtimpla lang ako ng kape, tapos lumabas
ako at nakipagkuwentuhan kay Daddy. Nag-demo siya kung paano mag-wiring.
Na-ilibs ako. Parang ang husay-husay na niya.
“Bumabata kayo, Dad.” Napansin ko kasing parang ‘di na kami nagkakalayo
ng edad. Mas mama pa nga yata akong tingnan sa kanya. Stress kasi sa school.
Ang hirap palang magkolehiyo.
“Oo naman. Bonsai is stress-reliever. Isa pa, wala namang dapat
ikaproblema.” Ngumiti
muna siya sa akin. “Kompleto na tayo. Madadagdagan pa ng isa…”
“Oo nga po.”
“Napapansin ko, ikaw yata ang tumatanda. Bakit? Mahirap ba ang college?
O dahil ‘yan sa pag-ibig?” May tonong mapang-asar si Daddy.
Sinabi ko lang na school-related problem
ang sanhi nito. Tapos, ibinigay ba naman niya sa akin ang wire. Ako na raw ang
magtapos para mawala ang stress ko. Siyempre, hindi ko naman ginawa.
Hapon. Tumawag si Karrylle. Galing siya sa
bahay ni Dindee. Marami siyang ikinuwento sa akin, pero ang pinakatumatak sa
puso ko ay ang tuluyang pag-ayaw ni Dindee sa aming relasyon. Kung ano man daw
ang dahilan, kanya na lang iyon.
Nasaktan ako nang kaunti. Para sa akin,
tapos na. Hindi na ako aasa. Malaya na ako!
Malaya na kami ni Riz.
No comments:
Post a Comment