Makamandag
"Na’san
ka?" Tinawagan ko si Riz. Nasa school na ako.
"Sa
bahay," kaswal niyang sagot.
"O,
bakit?"
"Tinatamad
na akong pumasok…"
"Magpapatalo
ka na lang ba? Riz, paano na lang a..." Gusto ko sanang sabihing 'ako'
hindi ko na tinuloy. "Paano na lang ang pangarap mo?"
"Red...
kausapin mo si Fatima. Kung gusto mo talaga akong pumasok, tulungan mo akong
itigil niya ang panggugulo niya sa utak ko."
Nangako
akong gagawin ko iyon. Kaya, pagkababa ko ng cellphone, pinag-isipan ko ang mga
hakbangin ko. Mahirap mang pakalmahin si Fatima, handa akong sumugal para
mapatigil siya. Mahina si Riz. Lalo pa siyang pinahihina ng kanyang karanasan.
Tinawanan
lang ako ni Fatima nang mahinahon ko siyang pakiusapang huwag na niyang
pariringgan si Riz.
“You
know what I want..." Tumalikod na siya. Gumiwang-giwang ang kanyang
balakang habang papalayo, tila inaakit ako.
Kung
papatulan ko siya, para ko na ring pinukpok ng bato ang ulo ko. Isa na namang
problema ang kakaharapin ko. Paano ko pa niyan makukuha ang pagmamahal ni Riz?
Whoah! Ang hirap…
Ayaw kong maglaro. Ayaw kong makipaglaro kay Fatima. Isa siyang ahas na
makamandag.
No comments:
Post a Comment