Followers

Saturday, July 25, 2015

My Wattpad Lover: Okay

"Oo, libre ko!" sagot sa akin ni Lanie nang yayain niya akong mag-dinner.

"Sige. Sa'n tayo mag-meet?" 

"Ikaw ang bahala. Anywhere you want. Magkita na lang tayo sa NBS.."

Nagulat ako sa meeting place. Hindi man lang siya na-trauma sa lugar na iyon. Nakakapagduda pero hindi ko hinayang matalo ako ng isip ko. Mas wise ako kesa sa kanya. Gagawin kong unforgetable moment ang pag-invite niya sa akin.

Nagmadali akong pumunta sa mall kaya lang inabot ako ng mahigit isang oras sa kalye. Ang haba ng traffic. Tinawagan niya na naman ako. 

"On the way na.." sabi ko. "Traffic, e."

"Okay. Ingat.." Iyon lang ang nasabi niya. Hindi ko naringgan ng pagkauyam. 

Nagmadali akong bumaba ng dyip at naglakad papasok sa mall. Pasado alas-siyete na iyon. At sa dinami-dami ng taong pwedeng makabangga, si Arla pa. Siya ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Angela.

"Hey, Arla?! Long time no see.'' masayang bati ko. Kahit paano ay naging magkaibigan kami. Hindi naman niya alam ang nangyari sa amin ni Gelay.

Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti."Hello, Zillion! How are you?"  Ang ganda pa rin niya. Mas maganda siya kaysa sa personal. Sa Facebook ko na lang siya nasisilayan pero tadhanang magkita kami.

Hinila ko siya sa gilid para di kami makaharang sa mga dumaraan. Doon kami nagkumustahan. Nasabi ko sa kanya na nagmamadali ako dahil may naghihintay sa akin para mag-dinner.

"Dinner? Ako nga rin ay naghahanap ng makakainan. Can I join you?"

"Y-yes!" Alinlangan pa ako. Kaya lang naisip ko na makakadagdag pa siya sa plano ko. "Let's go!" I held her hand and we walk through the direction of the bookstore.

"Sorry, Lanie... I'm late." sabi ko. Nakita ko kaagad ang pagkunot ng noo niya nang makita si Arla. "Nga pala, meet Arla. Nakasalubong ko siya near the entance and it so happened na naghahanap siya ng makakainan.. So, join siya sa atin." mahabang paliwanag ko. "Arla, meet... Lanie."

Mabilis si Arla. Inabot niya kaagad ang kamay niya para makipag-shake hands. "Hello, Lanie!"

Hindi nakipag-shake hands si Lanie. Nag-hello lang din siya.  "Okay!"  Tapos, nagyaya na siya. Alam kog mabigat ang loob niya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...