Followers

Saturday, July 25, 2015

Hijo de Puta: Ciento kinse

Naisugod agad ako sa pinakamalapit na hospital. Si Paulo ang nagdala sa akin. Inasikaso naman ni Leonardo ang kaso. Ipina-blotter niya ang nangyari. Hindi ko nakita ang sumaksak sa akin. Hindi ko naman pwedeng pagbintangan ang lasing na muntik ko nang buhusan ng kape. Kung sino man ang gumawa niyon sa akin, bahala na sa kanya ang Diyos. Ang mahalaga, buhay pa ako. Kinailangan ko lang salinan ng dugo. 

Dinalaw naman ako ni Lianne nang mag-umaga na. Siya ang nagpaalala sa akin ng mga pangyayari bago ako nasaksak.

"Oo nga, ano! May mga senyales pala... Ang tatlong beses na naduguan ang damit o ang dibdib ko.. tsk tsk!" sabi ko. Nanghilakbot ako.

"Oh, my gosh! Bakit hindi mo iyon napansin?" si Paulo.

"Di ko alam..."

"Okay na rin naman... Lesson learned." si Lianne na ang sumagot. "May mga bagay talaga na dapat bigyan ng pansin. Akala natin, hindi mahalaga. Ang simpleng pangyayari, posibleng magdulot ng malaki o masamang pangyayari. Kaya, ingat lagi."

"Tama ka, Lianne. Minsan, sa dami ng mga iniisip natin, nakakalimutan na natin ang maliliit na bagay..." Hinawakan ko ang aking sugat sa tagiliran. Medyo kumirot kasi.

"Ano, Hector?" Nag-alala si Lianne. "Musta ang sugat mo?''

"Okay lang naman... Kumati lang." Hindi ko na sinabing kumirot. "Pasensiya na nga pala, naging problema pa tuloy ninyo ako..."

"Wag mong isipin 'yun. Ang Mama ko nag ang nahihiya sa'yo..."

"Kung hindi sana nangyari ito... makakasama ako sa paglibing."

"Okay lang Hector. Pagaling ka kaagad. Si Paulo na ang bahala sa'yo. Di ba Pau?"

"Oo. No probs!" Nagtetext siya.

Later, nagpaalam na si Lianne. Kailangan na kasi niyang makabalik agad sa bahay nila dahil isang oras na lang ay ihahatid na sa huling hantungan ang kanyang ama. Hinatid naman siya ni Paulo sa baba. 

Nang mag-isa ako, saka ko lamang napagtanto ang kahalagahan ng kasama. Na-realize ko na kailangan ko na pala talaga ng makakasama ---- ng asawa. Si Lianne. Siya talaga ang gusto kong maging asawa. Ramdam ko kanina ang pag-aalala niya. Kaiiba. Noon ko lang naramdaman ang kaiibang pakiramdam na pinag-iingat ako ng isang babae. Para sa akin, isa iyong pagmamahal.




No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...