Note
"Riz,
puwede ba kitang mahalin?" Iyan ang sinulat ko sa isang note na inipit ko
sa kanyang notebook. Tapos, nag-CR ako. Pagbalik ko, nag-chorus ang mga kaklase
namin, sa pangunguna at senyales ni Fatima. Namula ako sa hiya. Naging yelo ang
buo kong katawan. Nakatitig sa akin si Riz na tila nagtatanong.
"Ang
sweet naman ng loverboy," maarteng lumapit sa akin si Fatima. Inabot niya
sa akin ang note ko.
"Paano
napunta sa 'yo 'to?!" Pinilit kong maging galit ang aking boses.
"Ewan
ko! Tanong mo sa kanila!" sagot niya. Tapos, gumiwang-giwang na naman ang
puwet niya pabalik sa kanyang upuan.
Hindi
ko maihakbang ang paa ko palapit kay Riz. Hindi na rin ako makatingin sa kanya.
Gayunpaman, tahimik akong umupo sa tabi niya pagkatapos ng mahabang
pakikipagbaka sa pakiramdam ng hiya at inis.
Nakatingin
pa rin sa amin, lalo na sa akin ang mga kaklase naming parang mga asong ulol.
Mabuti na lang at pumasok na ang aming professor. Saved by the bell.
Wala
kaming imikan ni Riz habang nagle-lesson. Bumulong ako sa kanya ng salitang
'sorry'. Pero, naisip kong para saan? Inabot ko na lang sa kanya ang note.
"Puwede
naman. Bakit ginawa mo pa ito?" sagot naman niya sa likod ng note.
Nagpaka-aktibo
si Riz sa discussion hanggang hindi na kami nakapag-usap. Pero, after ng period
na iyon ay nag-usap kami kung saan hindi kami makikita ng mga kaklase namin sa
subject na iyon.
Ipinaliwanag
niyang naagaw ni Fatima ang note. Nag-sorry siya sa akin.
"Okay
lang. Sorry rin kasi... hindi ko na lang ginawang personal." Napakamot pa
ako sa ulo ko, pero, at least, nabawasan na ang hiya ko sa kanya.
"Next
time kasi iabot mo na lang sa akin o kaya sabihin na lang."
"Ibig
nitong sabihin... may pag-asa ako?" Ngumiti pa ako.
"Hoy! Ang
bilis, ha! Halika na nga, mali-late tayo kay Prof. San Miguel." Hinila na
niya ako. Sana aware siya sa ginawa niyang iyon. Ang sweet, e..
No comments:
Post a Comment