Followers
Saturday, October 17, 2020
Alagang Ahas ng Kapitbahay
Hindi ko talaga maintindihan ang kapitbahay ko kung bakit nag-aalaga siya ahas.
Isang araw, tinanong ko siya kung ano ang kasiyahan ang naibibigay sa kaniya ng alaga niya.
“Hindi ko maintindihan ang nadarama ko kapag nakikita ko si Cornik. Basta! May kakaibang dulot sa akin ang ahas na ito,” sagot ni Mang Arnold.
“Hindi po ba kayo natatakot?” tanong ko.
“Hindi. Ang mga corn snake kasi kagayan nito ay isang napakamahinahong hayop. Para sa mga beginner, isang magandang alagang hayop ang ahas na ito sapagkat ito ay harmless. Wala itong kamandag.”
“Paano po kung lumaki na iyan? Maaari na po bang makapanakit iyan?”
“Hindi ito makakapanakit ng tao. Sa katunayan, nakatutulong ito sa atin dahil binabalanse nito ang ecosystem natin. Kinakain nila ang mga daga, na sumisira ng ating mga pananim at nagdudulot ng sakit.”
Medyo naniniwala na ako kay Mang Arnold.
Inilabas ni Mang Arnold ang corn snake. “Nakita mo? Mabait ang uri ng ahas na ito.”
Pumulupot ang ahas sa palad ni Mang Arnold.
Maya-maya, napasigaw ako at agad na napaurong.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment