Followers
Saturday, October 17, 2020
Leonardo: Kuyang-Kuya
Sa apat na magkakapatid, si Leonardo ang pinakapanganay. Napakaresponsable niya bilang anak at kapatid. Kuyang-kuya talaga siya! Simula kasi
nang bawian ng hininga ang kanilang padre de pamilya dahil sa aksidente, siya na ang tumatayong ama. Nahinto na siya sa pag-aaral upang tulungan ang kanilang ilaw ng tahanan sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Tumutulong siya sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Bunga nito, marami ang naaawa sa kaniya. Marami rin naman ang nagpapayong bumalik siya sa pag-aaral. Sa ngayon, hindi pa ang pagtatapos ng pag-aaral ang nasa puso niya. Gusto na muna niyang mapag-aral ang kaniyang kapatid. Nais kasi niyang tuparin ang bilin sa kaniya ng ama bago ito sumakabilang-buhay. Naniniwala siyang hindi sa pag-aaral magtatagumpay ang isang tao. Lagi niyang sinasabi sa kaniyang mga kapatid na, ang pagiging masaya at kuntento sa buhay ay maituturing nang tagumpay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment