Followers
Thursday, October 29, 2020
Ugnayang Ina at Anak
Ang pagmamahal ng isang ina ay walang pasubali at walang hanggan. Ito ang pinakamatatag na uri ng pag-ibig sa lahat. Sa pagitan ng ina at anak ay may isang tanikalang nagdurugtong sa kanilang mga puso.
Pambihira ang ugnayang anak at ina. Simula pa lamang ng pagdadalantao ng ina sa kaniyang anak hanggang sa isinilang niya ito, hindi na maipaliliwanag ang koneksiyon nila.
Ang ugnayang ito ay hindi magtatapos sa pagpapasuso, pag-aaalaga, pagpapatulog, pagpapaligo, at pagpapalaki sa sanggol. Magtutuloy-tuloy ito hanggang sa magkaisip at lumaya na ang anak. Mauulit ang proseso ng ugnayang ina-anak sa susunod na henerasyon, ngunit ang pagmamahal sa pinagmulang ina ay hindi kailanman magmamaliw. Hindi rin mawawala ang pagmamahal ng ina sa anak, kahit may apo na siya.
Ang isang malusog na relasyon ay nagmumula sa walang kondisyong pagmamahal ng ina sa anak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Aking Journal -- Hulyo 2026
Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Si Baltog Noong unang panahon, may isang maginoo at makisig na binata—si Baltog. Anak siya ng datu sa tribu ng Botaera ...
No comments:
Post a Comment