Followers
Sunday, October 18, 2020
Ang Bonsai ni Lolo
Ang Bonsai ni Lolo
Nasa hardin si Lolo Nestor nang dumating si Isay.
“Lolo, ang ganda naman niyang hawak niyo!” bungad ng apo.
“Ay! Butiki! Nakakagulat naman itong apo ko!”
“Sorry po, Lolo Nestor.”
“Ito ang tinatawag na bonsai,” paliwanag ng lolo. Dalawampung taon na ito sa akin.”
“Po? Mas matanda pa po pala iyan sa akin? Bakit ang liit-liit po niyan? Paano po iyan nabubuhay sa ganiyang kaliit na paso? Bakit hindi po lumalaki?”
Natawa ang matanda. “Teka lang, Isay. Hinay-hinay… Okay. Isa-isahin ko ang tanong mo. Umupo ka riyan.”
Nang nakaupo na si Isay, ipinatong naman ni Lolo Nestor ang bonsai sa garden set, kung saan sila magkaharap na nakaupo.
“Mas matanda nga ito sa iyo ng mahigit-kumulang walong taon. Maliit talag ito dahil ang bonsai ay salitang Hapon, na nangangahulugang ay isang pandekorasyong puno na pinigilang maabot ang normal na laki nito. Nabubuhay ito sa ganitong kaliit na paso dahil inaalagaan ko. Hindi ko ito pinalalaki gaya ng normal o natural na laki ng isang puno… Hayan! Nasagot ko ba ang mga tanong mo?”
Saglit na nag-isip ang apo. “Opo! Pero may tanong pa po ako.”
“Ano iyon?”
Ngumiti muna si Isay.
“Ano po ba ang kasiyahang nakukuha ninyo sa pag-aalaga ng bonsai?”
“Magandang tanong iyan, Isay! Alam mo bang parang hindi ko nararamdamang dumaragdag ang edad ko dahil dito o sa pagbo-bonsai.”
Natawa si Isay. “Oo nga po, Lolo Nestor! Kahit po sixty-five years old na po kayo, para po kayong fifty.”
“Naku naman itong apo ko, napakabolera.”
“Hindi naman po. Totoo po ang sinasabi ko. Para po kayong bonsai na ito. Matanda na, pero mukhang bata pa.”
Lalong natawa ang lolo. Lalo rin niya itong ikinabata. Kay gandang tingnan ng lolong ngumingiti o tumatawa.
May narinig silang ingay sa loob ng kanilang bahay.
“Nandiyan na pala ang mga pinsan mo,” sabi ni Lolo Nestor.
“Kaya nga po. Sige po, doon na po kami maglalaro baka po makasira kami ng mga pananim ninyo. Salamat po!”
“Mabuti pa nga, Isay.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment