Followers
Saturday, October 17, 2020
Pananakop sa Pilipinas
Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Magkakaiba ang panahon at paraan ng pagdating at pamumuhay ng mga pangkat ng mga sinaunang tao. Namuhay sila ng malaya at sagana dahil sa likas na yaman ng bansa. Ito ang protohistorikong panahon ng mga Pilipino.
Ang pagkakatuklas ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas ang nagbigay-daan sa panibagong yugto ng mga Pilipino.
Naitala ang pagbisita ni Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong ika-16 Marso 1521. Nagtayo sila ng mga permanenteng tahanan sa Cebu. Kasabay nito ang ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565. Kaya naman, nabuo ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas. Nagtagal ito ng 333 taon.
Dahil sa pagkamulat ng mga Pilipino, nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896. Nabuo ang mga himagsikan, kabilang ang Katipunan. Pagkaraan ng dalawang taon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino, nagtagumpay silang makamit ang kalayaan at ang pagkatatatag ng Unang Republika ng Pilipinas, sa tulong ng ilang mga sundalong Amerikano. At noong hunyo 12, 1898, idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas.
Ang pananakop ng mga Amerikano sa bansa ay kasunod na nangyari Dahil sa Kasunduan sa Paris, nailipat sa Estados Unidos ang pamamahala sa Pilipinas noong Disyembre ng 1898. May iilang Pilipino naman ang naging bahagi ng pamahalaan, lalo na noong 1905. Noong 1935, naghanda ang mga Pilipino para sa isang ganap na kalayaan mula sa Estados Unidos, na nakamit naman noong 1945. Noong Hulyo, 1946 naging ganap na ang kalayaan ng Pilipinas. Nagsimula ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1941 at nagwakas noong 1945. Ito ay naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag sila ng isang dummy government, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel. Sa tulong nga mga sundalong Amerikano sa pangunguna ni Heneral Douglas McArthur, noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones. Noong Agosto 10, 1945, sumuko na ang mga Hapones.
At noong1946 hanggang sa kasalukuyan, ang bansa ay tinawag nang Republika ng Pilipinas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment