Followers
Saturday, October 17, 2020
Asthmatic
Asthmatic
Bata pa lamang daw ako, sabi ng Mama ko, asthmatic na raw ako. Kaya, bawal sa akin ang makalanghap ng mga usok, alikabok, balahibo ng pusa o aso.
Mahilig akong mag-alaga ng mga hayop, gaya ng isda, ibon, at pagong. Gusto ko rin sanang mag-alaga ng aso, ngunit mahigpit na ipinagbabawal sa akin ng doctor na huwag magkakaroon sa bahay ng alagang aso o anomang hayop na may balahibo.
Sinikap kong hindi ako mainggit sa mga kaibigan kong may mga alagang aso. Nakatagpo sila ng matalik na kaibigan sa kanilang alaga. Sa tingin ko, sobrang ligaya ang naidudulot niyon sa kanila.
Dahil wala naman akong kapatid, nagnanais akong magkaroon ng alagang aso. Minsan nga, naitanong ko sa aking mga magulang kung puwede na ba akong magkaroon ng alagang aso. Pinagalitan lamang nila ako.
Isang araw, nalulungkot na naman ako. nakadungaw lang ako sa aming bintana. Maya-maya, matanaw ko sa aming bakuran ang isang cute na tuta. Para itong naliligaw. Alam kong hindi iyon pang-aari ng isa sa aming kapitbahay, kaya agad akong bumaba upang lapitan ang tuta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment