Followers

Saturday, October 17, 2020

Mikrobyong May Sumpa

Tag-ulan na naman! Hindi tayo dapat na magsaya dahil sa ulan. Dapat tayong mangamba dahil sa idudulot nitong baha. Ang mas nakakatakot pa ay ang mikrobyong ‘leptospira.’ Ang leptospira ay mikroboyong nagdudulot ng leptospirosis. Nakamamatay ang sakit na ito. Sa pamamagitan ng pagpasok ng mikrobyong ito sa balat na may sugat mula sa baha, basang lupa, o halamang may ihi ng kontaminadong daga Kapag ang pinaghihinalaang may leptospirosis ay nilagnat, nanginginig, nananakit ang binti, kalamnan, kasukasuan, at ulo, namumula ang mga mata, naninilaw ang balat, may kulay-tsaang ihi, kakaunti ang ihi, at sobrang nananakit ang ulo, kinakailangan na niyang sumugod sa pinakamalapit na hospital at magpasuri sa doktor. At upang hindi makakuha ng leptospira, iwasang lumangoy o lumusong sa mga kontaminadong baha at maruming tubig, lalo na kung may sugat. Kung talagang hindi maiwasan ang paglusong sa baha, gumamit ng bota. Maghugas din kaagad pagkatapos lumusong. Dahil daga ang pinanggagalingan ng mikrobyong ito, sugpuin agad ang mga pesteng ito sa inyong tahanan. Panatilihing malinis ang bahay. Ang leptospirosis ay maiiwasan kung ang sarili ay iingatan at ang kapaligiran ay lilinisan. Ang tag-ulan ay biyaya kung walang mikrobyong may dalang sumpa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...