Followers
Saturday, October 17, 2020
Ang 20-20-20 Eye Rule
Ang 20-20-20 Eye Rule
Dahil sa pandemyang CoViD-19, apektado ang lahat, kabilang ang edukasyon at trabaho. Naging work from home ang iba at hindi pinayagan ang face-to-face learning. Kaya naman, ang karamihan ay nagkaroon ng mahabang oras sa pagharap sa computer, laptop, cellphone, o tablet. Ang paglabo ng mata ay isa sa mga epekto nito, kaya upang maiwasan ito, ang 20-20-20 eye rule ay mainam na isagawa.
Ano ba ang 20-20-20 eye rule? Paano ito isasagawa?
Ito ay pagtingin sa 20 talampakang layo sa loob ng 20 segundo tuwing ika-20 minuto.
Pagkatapos mong gumugol ng 20 minuto sa harap ng screen, tumingin ka sa isang bagay. Ang halaman o puno ay ang pinakamagandang tingnan.
Tiyakin mo lamang na ang layo ng bagay na iyong titingnan ay 20 talampakan mula sa iyong kinatatayuan o kinauupuan.
Gawin mo ito sa loob ng 20 segundo. Mas mainam din kung mas matagal mo itong gagawin.
Ulit-ulitin mo ang 20-20-20 eye rule hanggang matapos ang ginagawa mo.
Ang pagsasagawa ng 20-20-20 eye rule ay makatutulong upang manatiling malusog ang iyong paningin sa panahon ng pandemya. Subukan mo ito nang makita mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment