Followers
Tuesday, October 27, 2020
Huwag Mahihiyang Lumapit
Maagang pumunta si Nicole sa bahay ng kaibigan niyang si Juvy upang magpatulong siya sa pagsagot sa module. Hindi kasi siya matulungan ng kaniyang abalang mga magulang.
Tamang-tama ang dating niya dahil nagsimula na ring magsagot si Juvy.
“Hello, Nicole! Halika, tuloy ka,” masayang bati sa kaniya ni Juvy.
Nahihiyang lumapit si Nicole sa bago pa lang niyang kaibigan. “Pasensiya ka na, ha? Magpapatulong uli ako sa iyo.”
“Okay lang. Pareho namang tayong Grade 4. Magkaiba man tayo ng section, pero pareho lang ang modules na ginagamit natin. Pagtulungan na lang natin ang mga ito. Huwag ka nang mahiya sa akin…”
Mahinhing ngumiti si Nicole bago umupo.
Agad na tinulungan ni Juvy si Nicole sa kinahihirapan nitong aralin. Pagkatapos, tahimik nilang sinagutan ang magkaparehong modules. Nawala kahit paano ang hiyang nararamdaman niya kanina pa.
“Ano pa ang mahirap na aralin para sa iyo?” medyo nakangiting tanong ni Juvy.
“Wala na. Naunawaan ko nang lahat. Sa bahay ko na lang sasagutan ang iba. Wala kasing bantay roon,” nakangiting sagot ni Nicole.
“O, sige… Basta kapag may tanong ka tungkol sa aralin, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin. Natutuwa ako kapag nakakatulong ako sa kapuwa.”
“Salamat, ha?!”
“Walang anoman!”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment