Followers

Saturday, October 17, 2020

Ang Talaarawan ni Katrina

Ang Talaarawan ni Katrina Hunyo 1, 2020 Kay sayang magtanim! Kapag nakikita kong malulusog ang mga halaman ko, para ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. At para nila akong nginingitian at kinakawayan tuwing pinagmamasdan ko sila. Hindi ko nga akalaing dahil sa pandemya, matuto akong mag-alaga ng mga halaman. Dati-rati, tinitingnan ko lang si Mama tuwing nasa hardin siya. Hunyo 2, 2020 Isa na namang napakasayang kapaligiran ang bumati sa akin paggising ko. Parang binati ako ng mga halaman sa hardin. Kaya pagkatapsos kung mag-almusal, pumunta na ako sa hardin. Kulang na lang ay batiin ko sila ng ‘Good morning!’ Pero, sabi ni Mama, kinakausap daw talaga ang mga halaman. May buhay rin daw kasi sila. Nahihiya lang akong gawin iyon. Baka kasi may makarinig sa akin. Iisipin nilang nababaliw na ako. Hunyo 3, 2020 Nagtanim ako ngayon ng mga halamang namumulaklak, gaya ng rose, zinnia, daisy, cosmos, santan, jasmine, petunia, at iba pa. Sabi ni Mama, may green thumb daw ako, kaya sigurado raw na mabubuhay ang mga itinanim ko. Natatawa ako kasi hindi naman green ang thumb ko. Tiningnan ko pa nga ang hinlalaki ko. Hindi naman berde. Natawa rin si Mama kasi hindi naman daw literal ang kahulugan ng green thumb. Ipinaliwanag naman niya iyon sa akin. Hunyo 4, 2020 Naunawaan ko na ngayon ang kahulugan ng green thumb. May kakayahan daw kasi akong magpatubo, magpalaki, magpabulaklak, at magpabunga ng anomang halaman o pananim. Kaya pala may mga taong walang hilig sa pagtatanim kasi hindi raw sila nabubuhayan ng halaman. Hunyo 5, 2020 Ngayong araw, natuto na akong kausapin ang mga halaman ko. Naniniwala akong bahagi ng pagiging green thumb ang pakikipag-usap sa mga halaman. Kung may makakita at makarinig man sa akin, hindi ko ito ikahihiya. Ang alam ko lang, masaya ako kapag nag-aalaga ako ng mga halaman.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...