Followers
Saturday, October 17, 2020
Si Idad
Bata pa lamang si Idad ay nagpamalas na siya ng katapangan. Hindi siya katulad ng mga dalagita na bihasa sa pananahi at pagbuburda. Mas kinahiligan niya ang sining ng eskrima. Naniniwala kasi siya na hindi lang mga kalalakihan ang dapat na matuto sa paghawak ng sandata, kundi pati mga kababaihan. Ayon sa kanya, ang kasanayan sa paghawak ng sandata ay magagamit sa oras ng kagipitan.
Isang gabi, may akyat-bahay na nagtangka sa kanilang bahay. Dahil sa taglay na tapang, patakbo niya itong initak. Lumusot sa bintana ang tampalasan. Sumisigaw at kumakawag-kawag na tumakbo palayo ang pangahas.
Isang araw, may alperes na nagtangkang manggulo sa kanilang tahanan dahil inayawan at binigo niya ito. Pinasugod nito ang mga tauhan. Pinagbintangan siya ng mga ito na nagpuslit ng tabako at pinagpipilitan pa ng mga ito. Sa galit ni Idad, winasiwas niya ang mga ito ng matalim na itak upang itaboy ang mga lapastangang lalaki.
Marami nga ang nagsabing hindi siya makakapag-asawa dahil natatakot ang mga lalaki na manligaw sa kanya. Ngunit noong labingsiyam na taong gulang na siya, may nangahas at nagtagumpay na magpakasal sa kanya.
Matapang si Idad sa mga pagkakataong kailangan niyang ipagtanggol ang sarili o kapwa. Higit niyang pinaninindigan ang prinsipyong ‘Walang mang-aalipin, kung walang magpapaalipin.’
Ang katapangan ni Idad ay nagamit niya nang sumali siya sa Katipunan. Isa siyang mason, kaya mahusay na siya sa pakikipagpagdigma.
Siya rin ang kaisa-isang katipunerang gumamit ng sariling dugo upang ilagda sa dokumento ng panunumpa.
Sa bawat labanan, inalay ni Idad ang sarili para sa bayan. Kaya naman, siya ang kinilala bilang ‘Ina ng Biak na Bato.’
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment