Followers

Saturday, October 17, 2020

Diyalogo: Dahil sa Pandemya (panghalip)

Dahil sa Pandemya Minggoy: Ngayong lang __________ hindi nakapagbakasyon. Ringo: Sayang, `no? Kundi lang nagkaroon ng pandemya, nakarating na sana __________ sa Cebu. Sinasama ako ng tito _______. Minggoy: Uy, maganda roon sa Cebu! Ringo: Oo! Napapanood ko nga tv ang magagandang lugar doon. Minggoy: Taga-roon pala ng angkan ________? Ringo: Hindi. Si Tito Manuel lang. Nakapag-asawa kasi ________ ng Cebuana, tapos nandito ang trabaho _________. Minggoy: Ah, kaya pala… Pero, `di ba, ang Cebu ang may pinakamaraming kaso ng CoViD-19 sa Pilipinas? Nabalitaan _____ ba iyon? Ringo: Oo. Sabi nga nina Papa’t Mama, mabuti na lang daw hindi _______ natuloy, kundi mag-aalala _______ nang husto sa akin. Minggoy: Mabuti na lang kasama _________ ang ating mga pamilya kahit hindi __________ natuloy sa mga plano nating puntahan. Ringo: Tama ______! Isa pa, nakatipid _______ ngayon sa gastos pagbabakasyon. Pero, saan sana __________ magbabakasyon? Minggoy: Sa Batangas lang sana kami. Si Mama ang may gusto. Hindi na raw kasi _______ nadadalaw ang mga kamag-anak niya roon. Ringo: Hindi bale, marami pa namang panahon. Ang mahalaga, safe tayo. Minggoy: Tama!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...