Followers
Sunday, October 18, 2020
Ang Pinakabatang Plantita
Ang Pinakabatang Plantita
Margarita: Hello, Tita Aurea! Ang gaganda na po ng halaman ninyo!
Tita Aurea: Hello, Marge! Oo nga… nakakawala kasi ng problema
ang mga halaman.
Margarita: Iyan din po ang sabi Mama.
Tita Aurea: Tama ang Mama. Naku! Ang hilig din niyon sa
gardening.
Margarita: Sinabi niyo pa po... Nahihilig na rin po siya ngayon sa
cactus and succulents.
Tita Aurea: Ay, oo! Maganda ang CNS. Less ang pag-aalaga.
Margarita: Tita, ano succulent din po ba ito?
Tita Aurea: Snake plant? Yes, succulent din iyan.
Margarita: Ang gaganda po ng snake plants ninyo! May apat po
yatang ganiyan si Mama.
Tita Aurea: Ako, bale sampung variety na. Teka, bibigyan ko ang
mama mo. Alin ba sa mga narito ang mayroon siya?
Margarita: Ito po, wala siya. Ito, meron siya. Iyon po ang
wala siya. Iyong nasa puting paso po.
Tita Aurea: Sige, kukuha ako ng suhi…
Margarita: Sige po. Sigurado po akong matutuwa niyan si
Mama.
Tita Aurea: O, heto… Pakisabi kay Mare, semi-rare pa ito.
Sanseviera Kirkii Coppertone.
Margarita: Salamat po! Ang ganda nga po nito. Para itong
kinakalawang. Ganito po ba talaga ang kulay nito?
Tita Aurea: (Natawa) Oo, ganiyan talaga. Nakamamangha talaga
ang mga likha ng Diyos.
Margarita: Totoo po. Para nga pong mahihilig na rin po ako sa
paghahalaman.
Tita Aurea: Wow! Go! Baka ikaw na ang pinakabatang plantita!
Nagtawanan ang dalawa. Batid nilang pareho ang ganda ng likha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment