Followers
Saturday, October 17, 2020
Malinis ang Pangalan
Malinis ang Pangalan
Ina: Magtapat ka nga sa akin, Joven… Kasangkot ka ba sa nakawan ng mga halaman kagabi? Mga kaibigan mo ang pinagbibintangan. Naku, kahit anak kita, hindi ako mangingiming ipakulong ka kapag napatunayan kong kasama ka.
Anak: Hindi po ako kasama, ‘Ma. Maniwala po kayo sa akin.
Ina: E, paano kita paniniwalaan kung halos araw-araw kayong magkakasama.
Anak: Opo, mga kaibigan ko po sila, pero hindi po nangangahulugang sasama ako sa mga kalokohan nila.
Ina: O, sige… Anong oras ka natulog kagabi?
Anak: Alas-diyes po. Pagkatapos po nating manood ng telebisyon, nakita naman po ninyong umakyat na ako.
Ina: Oo, Nakita nga kita. Pero… pero maaaring lumabas ka ng bahay noong umakyat na kami ni Papa mo.
Anak: Naku, hindi po!
Ina: Alam ko, Joven… Nasaan na ang mga halaman? Umamin ka na kundi ako mismo ang magdadala sa iyo kay Kapitan.
Anak: Ma, makinig po muna kayo sa akin…
Ina: Sige. Paniwalaan mo ako…
Anak: Opo, lumabas po ako kagabi. Bandang alas-onse, nag-chat po sa akin si Marcelo. Kuwentuhan daw po kami, kasama sina Jayson at Onyo. May problema daw po kasi siya. Lumabas naman po ako. Diyan lang po kami sa labas. Pagkatapos po ng kuwentuhan, isiningit na nga po niya ang planong nakawin ang Monstera Deliciosa ni Doktora Sy.
Ina: Ano? Sinasabi ko na ng aba, e!
Anak: Sandali lang po! Hindi po ako sumama. Pinigilan ko pa nga po sila.
Ina: Kung ganoon, bakit may nabalitaan akong kasali ka?
Anak: Naging mabuti po akong kaibigan sa kanila. Ayaw ko man pong magsumbong pero gagawin ko na kasi ayaw ko namang madungisan ang pangalan natin.
Ina: Tama iyan, Joven! Sige, ibahagi mo nga sa akin.
Anak: Opo! Ganito po ang nangyari, kaya alam kong sila nga po ang kumuha… Sinundan ko sila. Hindi po nila alam na nakabuntot ako sa kanila. Nagtago po ako sa likod ng acacia habang umaakyat sila sa pader ng bahay ni Doktora Sy. Kinuhaan ko po sila ng pictures habang umaakyat, habang ibinababa nila ang halaman, at pagkatapos nilang lumayo sa bakuran ni Doktora. Malinaw po ang kuha ko, kaya mapapatunayan ko ang pangyayari.
Ina: Kung ganoon, nakahanda ka bang magsalita upang malinis ang pangalan mo?
Anak: Opo, Ma… Ayaw ko rin po kasing makasanayan ng mga kaibigan ko ang pagnanakaw. Lalong ayaw ko pong pamarisan sila ng ibang kabataan.
Ina: Tama ka, Anak. Pasensiya na kung pinaghinalaan kita.
Anak: Okay lang po, Mama. Samahan na lang po ninyo ako sa barangay hall.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment