Followers
Saturday, October 17, 2020
Si Monay
Simula nang mamatay si Lolo Ramos, nagpagala-gala na ang aso niyang si Monay. Madalas ko siyang makita sa basurahan na nanginginain doon. Minsan, kapag nagagawi) siya sa bahay naming, pinakakain ko siya. Ipinagtitira ko talaga siya ng pagkain dahil minsan, hindi naman kayang ubusin ng alaga naming aso.
Tumagal, naging marungis si Monay. Kinatatakutan na rin siya ng aking mga kapitbahay. Pinalalayo nga siya ng iba dahil baka raw makakagat. Bihira ko na nga siya makita.
Isang gabi, nagsigawan ang mga kapitbahay naming dahil nilooban daw sila ng magnanakaw. Sumuot ito sa dating bahay ni Lolo Ramos.
Ilang sandali pa ang lumipas, narinig at napansin nila ang malakas na pagkahol ni Monay sa dati nitong tahanan. Tinatahulan pala nito ang magnanakaw at handang mangagat kapag ito ay kumilos.
Sa mga sandaling iyon, humanga ang lahat sa ipinakitang tapang ni Monay. Kaya, nagdesisyon ang kapitan ng aming barangay na isali at gawin si Monay bilang barangay aso. Magiging kasa-kasama na siya ng mga barangay tanod sa pagpapatrolya at pagroronda tuwing gabi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment