Followers
Saturday, October 17, 2020
Si Mang Andoy
Si Mang Andoy ay masipag at responsableng OFW noon. Bilang padre de pamilya, ginagawa niya ang lahat upang mapunan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Isa siyang welder sa Saudi Arabia tuwing umaga. Nagiging barbero irn siya kapag wala siya sa trabaho upang sumapat ang kinikita niya sa iba pang gastusin, gaya ng pag-aaral ng tatlo niyang anak, na pare-parehong kumukuha ng engineering sa kolehiyo.
Nakilala siya bilang manggagawang napakapalad. Hindi sa pagtratrabaho sa ibang bansa, kundi sa pagkapanalo niya sa loterya. Umuwi siya sa Pilipinas, bitbit ang napakalaking halaga. Sobra-sobra iyon upang makapagpatayo siya ng maliit na welding shop sa kanilang lugar.
Tuwang-tuwa ang kaniyang pamilya, gayundin ang kaniyang mga kapitbahay sa kaniyang natamo. At dahil biglang-yaman siya, binigyan niya ng ayuda ang ilang higit na nangangailangan.
Sabi ng karamihan, napakasuwerte raw ng kaniyang mga anak dahil makapagtatapos na ng kani-kanilang pag-aaral. May iilan ding nagsasabing bigla na lang daw mauubos ang kanilang pera dahil hindi naman talaga pinaghirapan ang pera.
Dahil sadyang taingang-kawali si Mang Andoy, hindi na lamang niya pinansin ang mga salitang iyon. Siya ay matatag sa mga negatibong komento. Hindi siya balat-sibuyas sa mga naririnig niya, bagkus pinatutunayan niyang masikap siya sa buhay. Kung anoman ang natamo niya, hindi niya iyon ninakaw, kundi pinagsikapan. Nagbabahagi rin siya ng kaniyang biyaya sa kaniyang mga kababaryong lubos na nangangailangan.
Sa ngayon, may dalawang branch na si Mang Andoy ng welding shop. Masasabing matatag na talaga ang kaniyang negosyo, lalo na’t katuwang niya ang butihin niyang asawa, na si Aling Nida sa pagpapatakbo nito, gayundin ang kaniyang mga anak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment