Followers
Saturday, October 17, 2020
Diyalogo: Anti-Terrorism Act of 2020
Anti-Terrorism Act of 2020.
Zandro: Alam mo ba ang ibig sabihin ng bagong batas na
pinirmahan ni Pangulong Duterte?
Nathaniel: Alin do’n? Ang Anti-Terror Bill?
Zandro: Oo, pasado na! Pinirmahan na noong July 3. Napanood
ko sa tv.
Nathaniel: Talaga? E, wala naman tayong magagawa roon kasi
mga estudyante pa lang naman tayo. Sila naman ang gumagawa ng batas. Tagasunod lang tayo.
Zandro: Oo nga, pero may pakialam dapat tayo kasi tayo ang
bumubuo sa gobyerno.
Nathaniel: Naku, Zandro! Dumale ka na naman… Dinadaan mo
naman ako sa mga ganyan mo.
Zandro: Hindi… Akala ko kasi interesado ka sa mga isyung
napapanood at napapakinggan mo.
Nathaniel: Interesado naman ako, pero hindi ko pa iyan
maunawaan… Saka hindi ko naman iyan kailangan.
Zandro: Sa ngayon, oo, pero darating ang araw… kailangan
mong malaman ang mga bagay-bagay sa paligid natin.
Dapat mayroon tayong opinyon o reaksiyon sa mga isyu.
Nathaniel: Hindi naman kasi tayo magkapareho. Matalino ka. Ako,
hindi… Sige na, maglalaro pa kami ni Andoy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment