Followers
Saturday, October 17, 2020
Pamilya ay Mahalaga
Sa mga kanluraning bansa, umaalis na sa bahay ng magulang ang anak kapag tumuntong ito sa edad na labingwalo upang mamuhay nang malaya. Sa Pilipinas, hindi lilisan ang anak hanggang gusto nito at gusto ng mga magulang.
Para sa mga pamilyang Pilipino, mahalaga ang pagkakabuklod-buklod nila. Ang sama-sama nating pamumuhay ay isang simbolo ng kaligayahan. Namumuhay tayo nang sama-sama dahil naniniwala tayong maaalagaan natin ang isa’t isa. Kaya nga, kadalasan ang pagtitipon ng magkakapamilya at magkakamag-anak. Salo-salo tayo sa kainan. Sama-sama rin nating hinaharap ang mga masasaya at malulungkot na bahagi ng buhay. Pinatatatag tayo ng pagiging buo ng ating pamilya.
Pambihira ang kaugaliang ito nating mga PilipinoSa totoo lang, araw-araw nating ipinagdiriwang ang kahalagahan ng pagiging malapit sa pamilya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment