Followers
Monday, October 26, 2020
Palanggana
Palanggana
Napansin ni Aling Menang ang kaniyang anak na si Gabbie, habang ito ay naghuhugas ng mga pinagkainan.
“Anak, isara mo muna ang gripo. Sayang kasi ang tubig, e,” sabi niya sa anak.
“E, ‘Ma, gusto ko po kasing matanggal na ang bula para madali na lang banlawan,” sagot ni Gabbie.
“Mali iyon. Maaksaya kapag ganoon ang style mo ng paghuhugas. Ganito…” Isinara ni Aling Menang ang gripo. “Ipatong-patong mom una ang mga plato sa isang tabi habang sinasabon mo.” Pinatong-patong niya nang maayos ang mga plato. Tinanggal niyang ang mga nakaharang sa lalabo at nilagyan niya ng palanggan. “Pagkatapos mong sabunin lahat, saka ka magbanlaw. Mas matipid sa tubig kapag gagamit ka ng palanggana. “Sige, tapusin mo muna ang pagsasabon mo habang pinupuno ko ng tubig ito.”
Tahimik namang sumunod si Gabbie.
“O, ayan, puwede ka nang magbanlaw. Sa dalawa o tatlong banlaw, makauubos ka lang ng dalawa o tatlong palanggana ng tubig. Magkapareho ang linis, pero mas tipid ang estilong ganito.”
“Pero, mas matagal po, ‘Ma.”
“Hindi na bale, Anak. Ang mahalaga, makatipid tayo ng tubig. Ang matitipid natin sa pagbabayad ng water bill ay maipapambili natin ng ibang pangangailangan. Tandaan mong mahalaga ang bawat sentimo.”
“Sabagay, tama po kayo, ‘Ma.”
“Napilitan ka lang yata, Gabbie.”
“Hindi po, ‘Ma… Hayaan mo po, hindi na po ako maghuhugas.”
“Ano?” Naipatong ni Aling Mena ang kaniyang mga kamay sa kaniyang baywang.
“Biro lang po, ‘Ma… Opo, susundin ko na po kayo. Basta kapag Malaki po ang natipid natin… bili mo po ako ng bagong damit.”
“Ay, naku, Gabriela!” Kinurot niya kunwari ang anak. “
Natawa na lang si Gabbie sa ina.
Iniwan na siya nito. Pagkatapos, sinunod naman niya ang suhestiyon ng kaniyang ina.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment