Followers
Saturday, October 17, 2020
Cavite, Dapat Ipagmalaki
Cavite, Dapat Ipagmalaki
Ang Cavite ay isa sa mga lalawigan sa Rehiyon IV-A, na pinakamalapit sa Metro Manila. Kilala ito pang-industriyang parke at magagandang tanawin. Ito ay mayaman din sa kasaysayan bilang isa sa mga lalawigan na humantong sa Rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol. At dito rin ipinanganak ang kalayaan ng Pilipinas, kaya't ang lalawigan ay tinawag na ‘Historical Capital of the Philippines.’
Kadalasan, ang Cavite ang destinasyon para sa mga educational tours, subalit hindi lahat ay napupuntahan.
Narito ang ilan sa mga makasaysayang lugar sa Cavite na dapat marating ng bawat isa at dapat na ipagmalaki.
Ang Museo de La Salle sa Dasmariñas ay nagpapanatili ng isang lifestyle museum, kung saan makikita ang daan-daang antigong kasangkapan ng isang pamilya. Ang mga halimbawa nito’y mga muwebles, pigurin, at iba pang makasaysayang koleksiyon.
Ang Immaculate Conception Parish Church sa Dasmariñas ay makasaysayang simbahang Katoliko, na itinayo noong panahon ng mga Kastila. Ang batong simbahang ito ay ang lugar ng pagdanak ng dugo sa panahon ng labanan ni Perez Dasmariñas ng rebolusyong Pilipino laban sa Espanya.
Ang Imus Cathedral sa Imus ay isang produkto ng mahusay na arkitektura. Ang disenyo nitong baroque ay mahirap makalimutan. Kilala ito bilang Home parish. Ito ay nakaharap sa lokasyon kung saan unang idineklara ni Emilio Aquinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas.
Ang Cuenca Ancestral House sa Bacoor. Ito ay mas kilala sa tawag na ‘Bahay na Tisa’ dahil ang bubong nito yari sa hinurnong luwad. Ito ang dating tanggapan ni Emilio Aguinaldo. Nanatili siya rito bago lumipat ng opisina sa Malolos.
Ang Bacoor Church sa Bacoor ay tinatawag ding Saint Michael the Archangel Parish. Ito ay isa sa mga pinakamatatandang simbahan sa lalawigan. Ito ay ginamit noon bilang bahagi ng pueblo (bayan). Si Mariano Gomez, isa sa mga Gomburza, ay naging parish priest ng simbahang ito hanggang dakpin siya noong 1872.
Ang Aguinaldo Shrine sa Kawit ay tahanan ni Pangulong Aguinaldo. Dito naganap ang pagdeklara ng Kalayaan ng Pilipinas. Kapag ginalugad ang bahay, matutuklasan ang mga lihim na silid at daanan.
Ang Kawit Church sa Kawit ay kilala rin bilang St. Mary Magdalene Church. Ito ay isa sa mga pinakalumang simbahan sa Pilipinas. Ang pagtatayo nito ay nagsimula noong 1737, at ang simbahan ay huling naibalik noong 1990. Dito bininyagan si Emilio Aguinaldo.
Ang Corregidor Island sa Cavite City ay makasaysayang isla dahil dito ginamit ito bilang isang bahagi ng depensa ng Manila Harbor, na may kompletong armas at mga sasakyang pandigma. Ang parola rito ay ang pinakakilalang tampok ng isla. Itinayo rito ang Japanese Garden of Peace at Filipino Heroes Memorial. Ang Malinta Tunnel ay hindi rin dapat makalimutang pasyalan sa lugar na ito.
Ang Calle Real sa Tanza ay isang restawran, na dating sinaunang bahay. Ito ay isa sa mga pinakamatanda bahay sa Cavite. Naghahain dito ng mga klasikong pagkain at putaheng Caviteño tulad ng pancit choko (squid pancit). Ito ay isa mga namanang resipe.
Ang 13 Martyrs Monument sa Trece Martires ay itinayo bilang pagpupugay sa tatlumpung paring martir na hinatulan ng kamatayan ng mga Espanyol noong 1896 dahil sa pakikipagtulungan sa mga Katipunero.
Ang Puente de Binambangan sa Indang ay hindi tipikal na historical site. Ito ay isang tulay, na itinatayo noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. May mga nakaukit na Baybayin sa mga bato nito. Ang hamon para sa mga bibisita rito ay ang pagsasalin ng mga mensahe ng mga ito.
Ang Andres Bonifacio Shrine and Eco-Tourism Park sa Maragondon ay sinasabing lugar kung saan pinatay si Andres Bonifacio at ang kaniyang kapatid noong 1897. May dalawang monumento sa lugar na ito na may nakadisenyong ‘Bayani’ at ‘KKK.’ Ang kabuuan ng parkeng ito ay may mga likhang-sining at mga eskultura.
Ang Museo ng Paglilitis ni Andres Bonifacio sa Maragondon ay isang museo kung saan makikita ang malalaking diorama, na kakikitaan ng mga eksena sa paglilitis kay Bonifacio.
Ang Cavite ay tunay na maipagmamalaki. Sa kasaysayan, pambihira ang ambag nito at bahagi. Kaya, bumista na’t huwag nang magpahuli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment