Followers
Friday, October 23, 2020
Ang Pagsubok kay Arnel
Ang Pagsubok kay Celso
Dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsiya, nagdesisyon si Celso na lumuwas ng Manila upang maghanap ng trabaho. Gusto kasi niyang makatulong sa kaniyang mga magulang at sa mga kapatid na nag-aaral pa.
Dati naman siyang construction boy sa kanilang bayan. Marami na siyang karanasan, kaya malakas ang loob niyang mangibang-bayan para sa mas malaki at permanenteng trabaho. Kaya nga nang nag-chat sa kaniya ang kaniyang pinsan na si Arnel, nagkaroon siya ng interes.
Nagtratrabaho si Arnel bilang karpintero sa isang malaking project sa Makati. Naghahanap daw ng isa pang karpintero ang kanilang engineer. Dahil naging all-around naman si Celso sa construction at dahil mabilis siyang matuto, tinanggap niya ang alok ng pinsan.
Kahit first time siyang makakarating sa Makati, bumiyahe siyang mag-isa. Hindi siya masusundo ni Celso, kaya binigay na lamang nito ang complete address ng boarding house, na tinutuluyan nito. Sabi pa nga nito, malapit lamang daw iyon at lalakarin lang pagkababa niya sa provincial bus. Siguradong daw na hindi siya maliligaw. Tutal marunong naman siyang magbasa at magsalita. Pinayuhan siya nitong magtanong kung hindi na niya alam ang kaniyang kinaroroonan.
Ligtas na nakababa si Celso sa sinakyang bus. Umupo muna siya sa waiting shed upang balikan ang text conversation nilang magpinsan at upang siguruhin niyang tama ang kaniyang binabaan.
Tama naman ang kinaroroonan niya, kaya lalong lumakas ang kaniyang loob. Naisaloob niya, “Basta para sa aking pamilya, wala akong hindi tatahakin.”
Dahil maaga pa naman, hindi muna siya naglakad. Pinagmasdan muna niya ang paligid. Busog na busog ang kaniyang mga mata sa matatayog na gusali at naglalaking billboard. Aniya, sa telebisyon niya lamang nakikita ang mga iyon, ngayon ay personal na nating nakita.
Pagkatapos niyon, naglakad na siya patungong hilaga. Natatandaan pa niya ang sinabi ni Arnel, na kailangan daw niyang makita sa timog silangan ang convenience store dahil liliko siya sa silangan. Naroon ang McArthur Street. Susunod naman niyang hahanapin sa kanluran ang Montero’s Male Boarding House. Doon niya hahanapin ang landlady na si Misis Montero upang makapasok siya. Sasabihin lamang niya ang kaniyang pangalan at ang pangalan ng kaniyang pinsang si Arnel.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Celso. Binaybay niya ang mahabang kalsada. Nasa isip na niya ang mga landmarks na kailangan niyang hanapin.
At sa loob lamang ng kinse minutos, kausap na niya si Misis Montero. Sinamahan siya nito sa kuwarto ni Arnel.
Parang antagal na nilang hindi magkita, kaya hindi matapos-tapos ang kanilang kumustahan. Tuwang-tuwa ito sa lakas ng loob ni Celso.
“Alam mo, pinsan, sinubukan lang talaga kita,” pag-aamin ni Arnel.
“Alam ko naman, e. Puwede mo naman talaga akong sunduin kasi maaga naman akong dumating, pero hindi n akita inabala. Madali lang naman talagang hanapin ang lugar na ito lalo na’t alam ko ang mga direksiyon.”
“Magpinsan nga tayo! Probinsiya tayo, pero hindi tayo tunto!” Nakipag-apir pa si Arnel sa kaniya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment