Followers

Saturday, October 17, 2020

Matulog Tayo!

Matulog Tayo! Ang pagtulog ay kasingkahalaga ng pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-eehersisyo. Kailangan ito ng ating katawan, subalit marami sa atin ang sumasala sa oras ng tamang pagtulog. Ang mahimbing na tulog sa gabi ay napakabuti sa ating katawan. Ipinapayong ng mga doctor na matulog tayo ng walong oras pataas araw-araw para sa malusog na pangangatawan. May mga epekto ang kakulangan sa tulog. Ang pagbaba at pagtaas ng timbang ng tao ay sanhi ng pagtulog. Nababawasan ang gana sa pagkain ng sinomang kulang sa tulog. Kung sapat naman ang tulog ng isang tao, maganda ang proseso ng utak at pag-iisip niya. Nangangahulugan ito ng magagandang resulta sa gawain. Nakatutulong din sa mga atleta ang mahabang tulog sapagkat nadaragdagan nito ang kanyang bilis. Samantalang ang mga taong madalas puyat ay mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso at stroke. Naaapektuhan din nito ang blood sugar at insulin ng katawan, kaya ang mga taong laging puyat ay siyang dinadapuan ng diabetes. Hindi naman maikakaila na ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot ng depresyon. Subalit kung sagana sa pagtulog ang isang tao, lalakas ang immune system niya at makaiiwas siya sa madalas na pagkakasakit. Nagkakaroon din ng mabilis na paghilom ng mga sugat. Tandaan din nating ang pagtulog ay nakaaapekto sa ating emosyon at pakikitungo sa kapwa. Nagiging masungit at iritable tayo kapag kapos sa tulog. Ang lahat ng iyan ay dapat nating malaman at isapuso. Huwag nating ipagkait sa ating sarili ang pagtulog. Matulog tayo kapag may time.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...