Followers

Saturday, October 17, 2020

Mga Gadgets Sa Panahon ng New Normal

Sa panahon ng New Normal, ang papel na ginagampanan ng teknolohiya ay hindi matatawaran. Itutuloy nito ang naunsiyaming harapang pag-aaral ng mga estudyante. Pabibilisin nito ang daloy ng pagtuturo at pagkatuto kahit magkakalayo ang mga mag-aaral at guro. Subalit, hindi rin maiiwasan ang paglabas ng mapaminsalang radiation. Ang laptop, kapag kinonekta sa WIFI at Bluetooth ay naglalabas ng radiation. May mga piyesa rin itong nagpapalakas sa mga signal, gaya ng battery at antenna. Ang cellphone ngayon ay maliit na bersyon ng laptop, kaya magkatulad ang radiation na inilalabas ng mga ito. Ipinapayo ng mga ekspersto na huwag ipapatong sa hita ang laptop, lalo na kapag konektado ka sa internet. Pinaghihinalaang kasi na ito ang sanhi ng pagkabaog ng mga lalaki. Mas mainam kung nakapatong ito sa mesa. Makatutulong din ang pagkakabit ng laptop shield upang mabawasan ang init na nagbubuo nito patungo sa iyong mga mata. Ang WIFI router ay nagbubuga rin ng electromagnetic radiation, na delikado sa tao, lalo na sa mga sanggol at buntis. Tumatagos ito sa mga dingding ng mga bahay, kaya pati EMF radiation mula sa ibang bahay ay nakaaapekto sa iyong kalusugan. Nakapagdudulot ito ng skin rashes at kahirapan sa pagtulog. Hinihikayat ang lahat ng mayroon nito na tanggalin sa saksakan kapag hindi ginagamit. Ang tablet ay may mas matinding EMF radiation dahil touchscreen ito at may WIFI, bluetooth, at cellular connection, na pare-parehong delikado sa katawan. Mali ang ideya na ang tablet ay mabisang bagay bilang kapalit ng paglalaro sa labas o mga tradisyunal na laruan. Mas nakabubuti ang paglalaro sa labas ng bahay. Ang earphones at headsets ay naglalabas din ng radiation. Wireless man o hindi, pareho ang epekto nito sa ating katawan. Rekomendado ng mag eksperto ang airtube headsets dahil wala itong metal na nagpapalakas sa signal. Ang mga gadget na ito ay hindi natin maiwawaksi lalo na sa panahon ngayon. Ang tangi nating magagawa ay wastong paggamit ng mga ito at pag-iingat. Mahalaga ang edukasyon, ngunit mahalaga rin ang kalusugan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...