Followers
Saturday, October 17, 2020
Metamorphosis
Metamorphosis
Ang buhay ng paruparo ay may apat na bahagi. Halina’t tuklasin natin ang tinatawag na metamorphosis.
Ang isang paruparo ay simula sa napakaliit na itlog. Karaniwang matatagpuan ito sa ibabaw ng dahon ng mga halaman. Ang itlog ng paruparo ay mapipisa sa loob ng dalawa hanggang apat (2-4) na araw.
Pagkatapos nito, ang itlog ay magiging larva. Unti-unti siyang lalaki at magiging ganap na caterpillar o ang uod. Sa loob ng sampu hanggang labing-apat (10-14) na araw, kakain ito nang kakain ng dahoon upang maging pupa o chrysalis. Ito ay matigas na nakabalot sa isang pupa bago ito maging paruparo.
Ang pupa ay magtatagal sa ganoong kondisyon sa loob ng sampu hanggang labing-apat (10-14) na araw bago ito tuluyang maging paruparo, na kawangis ng paruparong nag-iwan ng itlog sa dahon.
Iyan ang apat na yugto ng metamorphosis ng paruparo. Cool, ‘di ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment