Ang pula ay makahulugan sa bawat bansa. Ito ay nagtataglay ng kagandahan sa bawat kultura.
Sa kulturang Tsino, ang pula ay sumisimbolo sa apoy, timog at tag-init. Ito rin ay katumbas ng magandang kapalaran at suwerte.
Sa Hapon, ang kulay na pula ay kaugnay sa mga diyos sa tradisyong Shinto at Buddhist. Kaya kadalasan ang mga estatwa nila ay pula.
Sa Sweden, ang Falun red ay nakatakda para sa mga taong tinitingala sa lipunan.
Sa Greece, pinipintahan nila ng pula ang mga itlog kapag Easter. Tinatawag nila itong Easter eggs. Sinasambit rin nila ang "piase kokkino" (touch red), isang Greek expression, kapag ang dalawang tao ay nagsalita ng sabay, ng kaparehong bagay. Naniniwala kasi silang ang pangyayaring ito ay isang pangitain na magkakaroon sila ng alitan sa darating na panahon. Hindi lamang ito magkakatotoo kapag sila ay makahawak agad ng mga bagay na kulay pula.
Sa bansang Jamaican, ang 'red' ay isang slang na salita na ang kahulugan ay nakainom o lasing.
Sa Inglatera, mga pambansang simbolo ang mga pulang telephone booths at pulang double decker buses. Idagag pa ang mga pulang mail boxes o standard British pillar boxes.
Sa India, ang pulang marka sa kanilang mga noo ay pinaniniwalaang nagbibigay ng suwerte sa kanila.
Ang mga Hindu ay naniniwalang ang pula ay katumbas ng kaligayahan, buhay, kalakasan at pagkamalikhain.
Ang mga babaeng Islam, Hindu at Tsino na ikakasal ay nagsusuot ng pulang tradisyonal na kasuotan sa araw ng kanilang kasal.
Para sa mga Aztecs, ang Indian red dye ay itinuturing nilang napakahalagang bagay. Mas mahalaga pa ito kaysa ginto. Ang Indian red dye kasi ay nadiskubre nila mula sa katas ng milyon-milyong babaeng cochineal beetle, isang uri ng insekto. Sa singapore, ang kulay na pula ay nangangahulugang kaligayahan. Kaya nga kapag Chinese New year, ipinagdiriwang nila ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga pulang kasuotan at pag-aadorno sa bahay ng mga pulang kasangkapan at kagamitan. Ang mga pulang sobre naman o ang pao na may 'luck money' ay ibinibigay nila sa mga kabataan para sa kanilang magandang kapalaran sa buong taon.
Ang mga Katoliko naman ay naniniwalang ang pula ay 'feast days of the martyrs'.
Sa bansang Israel, ipinagbabawal sa mga kosher clothing stores ang kulay pula. Nagbebenta lamang sila ng maluwag na kasuotang pambabae. Ang paniniwalang ito ay nag-ugat sa kanilang kuwentong-bayan ng mga Tsino na 'Nian'. Ito ay isang halimaw na kumakain ng tao at nagagalit sa pula at matinding ingay.
Sa watawat ng Pilipinas, ang simbolismo ng pula ay katapangan. Nahahawig din sa ibang bansa ang kahulugan nito, gaya ng kasiyahan at magandang kapalaran.
Ang pula ay sadyang makahulugan. Ang bawat bansa ay may paniniwala ukol dito, nadapat nating malaman at pahalagahan.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment