Followers

Friday, January 2, 2015

Aking Journal -- Enero, 2015

Enero 1, 2015 Naki-join ako sa Dumlao at Moralde Family sa pagsalubong ng Bagong Taon. Simple lang ang selebrasyon nila kasi wala silang budget. Pero nag-lechon si Tatay Arnold ng ulo ng baboy. Kami naman ni Epr ay nag-ambagan para makabili ng beer at Coke. Mag-iinuman kami, alas-diyes pa lang. Wala lang ako sa mood uminom pero masaya ako. First time ko mag-celebrate ng New Year with them. Ala-una kami natulog ni Epr. Alas-sais y medya naman ako bumangon. Last day na naman ngayon sa Ilocos Norte. Mabuti na lang ay nagyaya si Mommy Salve na magswimming-picnic sa Sarrat. Alas-onse y medya ay nasa San Joaquin River Resort kami. Ang ganda ng lugar. May may cottages na pinaparentahan sa gitna ng ilog. Ang ganda ng concept, First time kong makikita at makarating sa ganung resort. Nag-picnic kami doon. Kasama naming ang friend na gay ni Shintaro at ang kababata niya. Maraming food dahil nagdala at bumili ang kaibigan ni Taro. Kaya lang, sobrang lamig dahil sa hangin. Hindi tuloy ako nakaligo. Sight-seeing, pictorial at tampisaw lang ang ginawa ko. Nagkantahan din sila. Isang oras lang kaya di na ako sumali. Okay na ako sa ganun. At least naka-experience ako ng iba naman. Alas-singko ay nakauwi na kami. Agad namang nag-empake kami ni Epr para bumiyahe na pauwi. Pinakain muna kami ni Mommy Salve at Tatay Arnold bag kami hinatid sa Partas Bus Station. Agad kaming nakasakay. Tiyempo ang biyaheng pang-alas-sais y medya. Nagpasalamat ako sa mag-asawa. Nag-sorry naman si tatay Arnold dahil wala daw silang naipabaon. Siya pa ang nahiya. He he. Thankful nga ako dahil marami akong narating. Thankful din ang Mommy ni Epr dahil ako ang nagyaya sa anak niya na bumisita sa kanila. Enero 2, 2015 Alas-kuwatro-kuwarenta kami dumating sa Pasay kanina. Nakarating naman kami ni Epr agad sa boarding house. Nagkape siya. Ako ay natulog agad. Sarap ng tulog ko. Andami ko pang napanaginipan. Nagising ako bandang alas-nuwebe. Kaya pagkatapos magkape ay naligo na ako para umalis. Sa Antipolo ang rota ko. Pero, dumaan muna ako sa Paco. Kinuha ko ang maleta ko na may lamang mga gamit at damit na hindi ko masyado kailangan. Iiwanan ko sa Bautista habang wala pa akong bahay. Nakarating ako sa Bautista pasado ala-una ng hapon. Natuwa si Mama dahil gala na daw ako. Hindi tulad ng bata ako na gusto lang lagi sa bahay. Ikinuwento ko naman sa kanya ang mga pinuntahan ko. Gusto ko sanang ipakita lahat sa kanya ang mga pictures, kaya lang mahina ang signal ng internet ko. Di ko ma-open ng maganda ang FB ko. Niyaya ko din siyang manuod ng sine bukas. Kaya lang expired na daw ang senior citizen ID niya. Next time na lang daw pag na-renew niya na. Sayang! Iyon pa naman ang sadya ko dito. Di bale, nahakot ko naman ang maleta ko. Enero 3, 2015 Nag-edit ako ng Red Diary pagkatapos kung mag-almusal. Buwisit lang ang signal ng net. Kaya, konti lang ang natapos ko. Maghapon akong nagtiyaga sa pasulpot-sulpot na signal. Buwisit! Mas marami pa sana akong na-edit at na-update sa Wattpad. Enero 4, 2015 Pasado alas-diyes na ako nakapag-almusal (Lunch na nga iyon.), kasi nagsimba si Mama. Nag- internet lang ako habang wala siya. Mabuti at maganda-ganda na ang signal. Last day na ng Christmas break ngayon, kaya ginusto kong sulitin. Nakapag-update din naman ako kahit paano ng wattpad ko. Alas-siyete ng gabi, umalis na ako sa Bautista. Pasado alas-nuwebe ng gabi ako nakarating sa boarding house. Wala na si Epr. Nabuwisit na naman ako dahil, wala pa ring signal ang wifi ko. Enero 5, 2015 Unang Lunes ng 2015. Hindi naman ako tinatamad na pumasok. In fact, gusto ko ngang puamsok ng maaga. Kaya lang nakinig ako sa Love Radio Tambalan. Eight-thirty ng umaga na ako nakaligo. Gayunpaman, nakarating ako ng alas-nuwebe sa school. Nakapaglinis pa ako ng kaunti at nakapagdilig ng halaman. Nagturo ako ng four operations in decimals sa tatlong sections. Pero, naisingit namin ang Teachers' Quality Circle (TQC ). Walang humpay na kuwentuhan, plano at kainin ang naganap sa aming limang Grade Five teachers. Ang saya! Mabuti may dumating na Field Study teacher kaya may nagpa-recess at may nagbantay sa klase namin. After class, pumunta ako sa hideout. Si Sir Erwin ay nag-aabang na sa amin sa may Sanitarium. Kaya, walang humpay na naman ang kuwentuhan, biruan at tawanan naming don. Pinag-usapan namin ang tungkol sa Ilocos Escapade ko at ang plano naming pumunta sa bahay ni Mamu sa January 15. Bago mag-alas-nuwebe ay nakauwi na ako. Sobrang saya ko ngayong first Monday of the year. I hope patuloy kong ma-enjoy ang trabaho ko at ang friendship naming 3some at patuloy na masaya sa hideout. Bago mag-alas diyes ng gabi nakapagpa-laundry ako. Tinamad kasi akong maglaba. Natambak pala ang labahan ko, gawa ng gala ko sa Ilocos Norte. Mabuti na lang at may bukas pang laundry shop. Enero 6, 2015 Inspired akong magturo ngayong araw. Nakapaghanda kasi ako ng lesson at teaching aid. Matatalinghagang salita ang aralin namin. Nag-meeting kami saglit pero natuloy din ang pagtuturo ko sa dalawang section. Sa advisory ko ay nag-Math ako dahil balak kong pagturuin ang PT ko na si Mam Ruth. Tamang-tama naman, dumating siya habang nagsisimula ako sa Section Mercury. Nakita niya akong magturo. Kaya after recess ay nagturo siya sa Mars. January na siya magde-demo. Detailed pa ang plan na gusto ng prof nila kaya malaking paghahanda ang dapat naming gawin. Medyo may mga sablay siya pero naniniwala akong matututo siya lalo na ang discipline. After class, umuwi na ako. Andami kasing gagawin. Pass muna sa hideout. Enero 7, 2015 Medyo tinanghali ako ng gising kanina. Alas-nuwebe y medya na ako naligo. Nakinig pa ako sa Tambalan sa radyo. Kaya, nagmadali akong naghanda ng ituturo sa Math. Okay naman. Nagawa ko ito bago nag-time. Inspired pa rin akong nagturo. Panay din ang patawa ko. I'm sure natuto ang karamihan sa lesson ko. Past one, naturuan ko rin si mam Ruth sa kanyang paghahanda ng ide-demo. Wala pa ring hideout ngayon. Kailangan ko kasing gumawa ng test questionnaire sa Math V para sa third periodic test. Enero 8, 2015 Nagload ako sa cellphone ko para i-text si Emily. Nagtext kasi siya na kung papaya daw ba akong sumali si Ion sa Mr. or search. Kaya, tumawag ako. Pumayag ako siyempre. Gusto kong maranasan iyon ng anak ko habang bata. Tapos, hapon ko na nakausap si Zillion kasi galing pa ang ina sa Kalibo. Nagpasagot lang ako sa mga bata kanina ng lumang test questionnaire sa Filipino. Iyon na rin kasi halos ang content ng exam nila. Tapos, sinagutan namin para mas ma-recall nila ang mga tamang sagot. I must say na ready na sila sa test sa Filipino subject. Bukas ay magre-review din kami sa Math. Sayang nga lang dahil wala akong naitabing lumang test papers. Enero 9, 2015 Mag-aalas-diyes na ako pumasok. May professional meeting lang naman kasi kami. Alas-12:30 pa naming pinapapasok ang mga bata. Sa meeting, maraming sinabi si Mam Deliarte. Mga gagawin. Mga achievements. Then, sinunod na ang planning sa pre-birthday celebration niya. Si Mam Loida na ang nag-preside, since siya ang faculty president. Kasado na ang swimming sa Kalipayan Resort sa Cavite. Mahuhuli lang kami ng dating doon kasi a-attend ako ng awarding nina Mareng Lorie at Miss Kris. Hindi ko pa noon alam na napili si Miss Kris bilang Natatanging Guro sa Filipino, after hard process. Nagbiro pa nga ako na magbo-blowout ang mga awardees. Natutuwa ako sa achievement niya. Ako kasi ang isa sa mga pinapasalamatan niya sa kanyang tagumpay. Sayang di ko na-reply-an ang text niya. Mahina din ang internet connection ko maghapon. After class, pumunta ako ng HP. Bibili nga sana ako ng wifi booster. Wala naman akong nabili sa CD-R King. Nag-grocery na lang ako. Enero 10, 2015 Kahit sobrang lamig, at kahit gusto ko pang magkumot ay bumangon na ako para sa masteral class. Actually, nagising na ako bandang alas-sais, pero, nahiga uli ako hanggang alas-sais y medya. Kaya pala, maaga ring dumating si Dr. Yan. Maaga kaming nagsimulang magklase. Nakinig lang ako ng mga report maghapon. Nakakaantok. Hindi ako nakapag-participate. Wala ako sa mood. Nag-FB na lang ako nga nag-game sa cellphone. Pero, nakikinig ako. Natuto rin ako kahit paano. Bago mag-alas-kuwatro ay nakauwi na ako. Umidlip ako pagkatapos magmeryenda. Walang signal ang net ko kaya wala akong nagawa kundi mag-encode ng write-ups. Bukas ay pupunta ako sa QC Circle. Dadalo ako sa seminar-lecture para sa cactus care. Gusto ko lang magliwaliw. Nakaka-stress ang buhay lalo wala namang signal sa boarding house na ito. At sa Monday ay puspusan na ang pagtapos namin ni Mamu sa action research nina Sir Erwin at Mam Lolit. Enero 11, 2015 Alas-nuwebe ay nasa QC Circle na ako. Agad kong hinanap doon ang Gancayco Hall na pagdadausan ng Cactus Care Lecture mula sa Cactus and Succulents Society of the Philippines, na na-like ko sa Facebook. Kaya lang hindi ko mahanap. Nakadalawang ikot ako. Wala! Alam ko naman na 12:30 pa ang registration pero sana nakita ko ang karatula o ang venue. Nagtanong ako pero wala namang nakapagturo. Nabigo ako. Gayunpaman, may kapalit naman ang pagod at gastos ko. Nakagala ako. Nakapag-sight-seeing din ako ng mga bonsai, cactus at halaman sa mga bilihan doon. Nakaka-inspire. Tapos, nanguha ako ng mga cactus sa abandonadong cactus and succulent garden na madalas kong puntahan. Sulit! Maraming uri akong naiuwi. Kaya, alas-dos ay nasa school ako. Doon ako dumiretso para itanim ang mga cactus. Nakapag-gardening tuloy ako nang hindi oras. Gumanda na naman ang mini-garden ko doon. Umuwi ako bandang pasado alas-tres. Tapos, pasado alas-kuwatro ay naisipan kong magbayad ng bills ko sa Smart dahil lampas na ang due date ng wifi ko. Kaya pala walang signal. Tapos ang plan kong cellphone at load ay in-service pa. Nakatawag nga ako kay Zillion. Kailangan ko na palang i-renew para makakuha ako ng bagong unit. Wala pa ring signal ang net ko pag-uwi ko. Di bale, hihintayin ko bukas. Enero 12, 2015 Hindi ako agad na pumasok sa school. Alas-diyes ako pumunta doon. First day of third grading test kasi ng mga bata ngayon. Wala naman akong internet kaya di ako nagmadali. Habang nagte-test ang mga bata, nagkaroon uli ng tsansa na magkasalu-salo kami nina Mamu at Donya Choling. Absent si Sir Rey kaya di siya nakasalo sa amin. Bago mag-alas-kuwatro ay nakadalawang test na ang pupils ko—Math at English. Iyon lang din kasi ang na-Riso. Hawak kasi ni Sir Rey ang mga test namin. Hindi niya naipasa noong Friday. Mabuti nga at naipasingit namin sa ginagawa ni Sir Vic. Kung hindi, malamang nganga ang mga bata maghapon. Four-twenty naming pinalabas ang mga pupils. Umalis na rin kami ilang minuto pagkatapos naming magpalinis. Nabuo pa nga ang grupo, maliban kay Mamah, nang magkita-kita kami sa labas ng office. Naroon si Papang, ihahatid si Bebe. Supposedly, kasama siya sa hideout para makatulong sa paggawa ng action research nila. Pero, mas pinili pa niyang ihatid si Tita. Okay lang naman. Tiyak naman kasi na wala kaming masyadong matatapos kapag andun siya. Malamang magtatawanan lang kami. Sa hideout, puspusan ang ginawa naming pagtapos ng action research nina Papang at Bebe. So far ay nagawa na naming doktorin ang resulta ng mock test. Na-interpret na rin namin. In short, malapit na. Pasado, alas-otso ay umalis na ako sa hideout. Enero 13, 2015 Hindi uli ako pumasok ng maaga. Ilang minuto na lang bago ang time, saka ako nakarating sa school. Second day lang kasi ng exam. Since, exam lang ng mga bata, naharap ko ang action research ni Bebe. Nakakabuwisit lang ang signal ng internet. Hindi ako makapag-Google sa laptop ko. Pero, sa cellphone ko, malakas naman ang signal. Nakakapag-research nga ako, hindi ko naman ma-copy-paste. Bale-wala. Ang ginawa ko ay manual copy—from phone to laptop. Kahit paano ay umusad naman ang action research. Nagkaroon na ng sense. After class, sumama kami ni Plus One sa hideout. Nagkape. Nagkuwentuhan. Nagtawanan kami doon, habang ipinagpapatuloy ko ang ginagawa kong research. Doon na rin ako nag-dinner. Before nine ay nakauwi na ako sa boarding house. Enero 14, 2015 Huling araw na ng pasok this week kasi bukas ay non-working holiday dahil sa pagbisita ni Pope Francis. Last day na rin ng 3rd periodic test. Bago ako nagbigay ng test sa pupils ko, nag-print ako ng natapos ko sa action research ni Bebe. Tapos ipinakita ko ito sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang kaligayahan. Nakakatuwa rin kahit paano. Naappreciate niya kasi. Isang subject lang ang test ng pupils ko ngayon. Mabuti dumating si Mam Ruth. Nag-dry run siya para sa kanyang demo. Medyo okay na. Tapos, dumating na ang Tambuli. Na-disappoint ako sa result. Nag-iba kasi ang output. Naiba ang font style. Nagalaw ang iba. May nawala pang words. Talo na kung isasali sa contest. Gayunpaman, ipinakita kung natuwa ang ako sa.achievements ng pupils ko na nakapag-contribute ng articles doon. Piniktyuran ko nga sila. Nag-class picture din kami kasama ang FS student na si Mam Mikaela. Then, after class, bumiyahe agad ako pauwi sa Antipolo. Nag-grocery ako sa Puregold Cubao para sa aking ilang araw na bakasyon. Naisip kong bisitahin sina Hanna at Zj. Kaya lang may tatapusin pala akong research. Next time na lang. Maaga pa akong dumating sa Bautista. Buti na lang daw sabi ni Mama kasi patulog na rin sana siya. Mga pasado alas-otso lang iyon. Enero 15, 2015 Ang lakas ng signal, kagabi pa! Kaya naman, halos matapos ko na ang action research ni Bebe. Hinarap ko ito pagkatapos ko mag-almusal. Nakapag-update ako sa Wattpad at blog ko. Hapon, nanuod ako ng short films sa Youtube. Tapos, pinanuod ko ang pelikulang Tuhog. Comedy ito na medyo may drama. Naiyak ako. Ganda ng istorya at idea. Then, past 5, inabangan namin ni Mama ang pagdating ni Pope Francis. Tinutukan namin ang kanyang paglabas sa eroplano, pagsakay sa pope mobile para sa motorcade, hanggang sa makapasok sa Apostolic Nunciature. Grabe! Punong-puno ng espiritu ng Diyos ang puso ko. Ramdam ko na naging malapit ang Pilipinas sa Diyos. Iba talaga ang karisma ng papa. Kaya naman, pagkatapos ng motorcade ay gumawa ako ng tula na may pamagat na 'Mabuhay ang Santo Papa' at pinost ko ito sa FB, Wattpad at blog. Balak ko ring pumunta sa Luneta para sa kanyang misa doon.Hindi ako Katoliko, deboto o panatiko pero gusto kong maranasan ang kakaibang karanasang ito na minsan lang nararanasan ng bawat Pilipino. Sana.. Enero 16, 2015 Nanuod ako ng pagbisita ni Pope Francis sa MalacaƱang. Pinakinggan ko ang kanyang mensahe, gayundin ang mensahe ni Pnoy at ni Cardinal Tagle.Very inspiring! Ang gaganda ng mga sinabi nila. Gusto ko ngang hanapin sa internet para mai-translate ko sa Tagalog. Mabuti at nanumbalik ang signal ng Smart. Tinigil kasi nila, pati ang wifi ko. For public safety daw. Apektado ng papal visit. Alas-diyes, bumalik. Nakapanuod tuloy ako ng movie sa youtube maghapon. Enero 17, 2015 Nabagabag ako kagabi sa budget ko. Ang sahod ko pala ay hindi sapat para sa akin, lalo pa't sinusuportahan ko si Mama. Nagbibigay din ako kay Zillion at paminsan-minsan ay kina Hanna at Zj. Nangungupahan pa ako't kumakain. Not to mention, ang mga bills ko sa Smart at RCBC. Haay! Ang hirap! Gayunpaman, paggising ko kanina ay binigyan ko si Mama ng isanglibong piso. Sabi ko ay ipamalengke niya ang kalahati at ibalik sa akin ang P500. Kahit naman crisis ako, hindi ko pa rin kayang tiisin na nagugutom o naghihirap kami sa pagkain. Para ano pa't nagtratrabaho ako. Hindi ko kayang makitang nagtitiis si Mama. Matagal na siyang naghigpit ng sinturon. Pagkaalmusal ay nanuod ako ng pagbisita ni Pope Francis sa Leyte. Hindi nakiayon ang panahon doon. Signal #2 pa ang bagyo. Kaya naman, imbes na hanggang alas-5 pa ang Papa ay naging hanggang ala-una na lang. Gayunpaman, natutuwa ako dahil naramdaman ko ang kaligayahan ng mga taga-doon nang makita nila ang Santo Papa. Napaka-charismatic talaga! Speaking of charismatic, iyan ang topic ko sa Educational Leadership. Isasama ko siya sa mga examples ng charismatic leaders. I know, magiging hit na naman ang report ko. Kaya naman, sinimulan ko nang gawin ang powerpoint ko. Pagkatapos kong manuod at mag-lunch, nanuod ako ng videos sa youtube. Maghapon. Nagbasa din ako tungkol sa report ko—habang naghihintay ng signal. Katext ko kagabi si Madi Lalaine at ang inaanak ko na si Jocelyn. Ang haba ng conversation namin. Idagdag pa si Paz. Si Emily naman ay di naman nag-reply uli. Pero, bago ako natulog, nagtext pa siya. Alam ko na nasa Kalibo Aklan sila. naki-fiesta. Kaninang umaga, extended ang text convo namin ng inaanak ko. Nakisabay pa si Paz. Ininimbitahan ako sa summer sa kanila. Hindi naman ako nag-commit. Enero 18, 2015 Kahit nagbabad ako sa higaan ko, naabutan ko pa rin ang simula ng Encounter with the Youth ni Pope Francis sa UST. Grabeng tao! Naramdaman ko ang espiritu ng Diyos. Ang ganda ng programa! Nakakaiyak at nakakainspire ang mga kanta, ang mag testimonies at mga mensahe ni Pope Francis. Kaya, okay lang kahit wala ako doon. Tinutukan ko din ang misa niya sa Quirino Grandstand. Grabe! Kahit maulan, dinumog ng tao. Kung natuloy pala ako, isa din ako sa mga nabasa at nilamig. Nagustuhan ko ang mensahe ni Cardinal Tagle para kay Pope Francis. Enero 19, 2015 Inabangan ko uli ang pagpunta ni Pope Francis sa Villamor Airbase para sa kanyang pagbalik sa Vatican City. Grabe! Nakakahanga talaga—ang pagbisita niya at ang pagsalubong sa kanya ng mga Pilipino. Pagkatapos kong manuod, nag-encode ako. Tapos, naiispian kong gumawa ng leaflet ng milestones ng V-Mars. Tinituluhan ko ito ng 'V-Mars Travel: Teacher's Report'. Ang ganda ng outcome! Tiyak ako matutuwa ang mga pupils ko at ng kanilang mga magulang kapag binigyan ko sila sa darating na HPTA Meeting. Past 6, umuwi na ako. Tinatamad pa nga akong umuwi. Parang nabitin ako sa bakasyon. Hehe Past nine o'clock naman ako dumating sa boarding house. Wala pa si Epr. Magbababad sana ako ng mga damit ko, kaso nagsimula na ang Papa Jack's TLC. May caller na. Nagka-interest ako sa kuwento ng isang problemadong lalaki. Pwede kong i-adapt ang kuwento para sa sasalihan kong pagtimpalak sa pagsulat ng kuwento sa PPV. Ganda ng kuwento. Iyak ng iyak ang caller. Hindi tuloy ako nakatulog agad. As a result, nasimulan kong sulatin ang kuwento. Enero 20, 2015 Napuyat ako kagabi dahil sa istorya ng caller ni Papa Jack. Nabagbag ako at nagkainteres sa kanyang life story. Late na nga ako nakatulog, maaga pa akong nakamulat. Before six ay gising na ako. Hindi na ako nakatulog uli. Kaya, para maging produktibo, tinapos ko na ang kuwento na sinimulan ko kagabi. Pinamagatan ko itong "Hindi Ako Umiiyak'. Sana manalo ako sa PPV. Past nine ay nasa school na ako. Naghanda agad ako ng lesson plan at ituturo ko. Then, nag-gardening ako. Nag-print din ako ng V-Mars Travel leaflet. Then, maya-maya ay dumating na ang mga estudyante ko. Halos kompleto sila. Akala ko pa naman ay maraming absent. Gayunpaman ay nagturo ako Geometry. Ayos naman ang Martes ko. Then, after ng klase, pumunta kami sa hideout. Kasabay naming si Papang. Tinapos namin doon ang action research nila ni Bebe. Sa wakas, ready for submission na ito. Past nine PM na ako nakauwi sa boarding house. Wala pa rin si Epr. May binabad pala akong mga damit. Nagbanlaw muna ako bago nag-journal at Wattpad. Haist! Hectic ang schedule.. Okay lang! At least nakatulong ako. Enero 21, 2015 Inspired akong magturo ng pangatnig sa mga bata. I love Filipino subject, talaga! Ang sarap ituro. Nai-express ko ng husto ang sarili ko. Nakakapagpatawa pa ako. Nagagawa ko naman iyon sa Math, pero mas nagagawa koi to pag time ng Filipino. Iba talaga pag gusto mo ang ginagawa mo. Naibigay ko na kay Bebe ang soft copy ng action research niya. Tuwang-tuwa siya siyempre. Pareho kaming nakahinga ng maluwag. Kahit nagpalitan kami ng klase at nagturo, nakapagbonding pa rin kaming Grade 5 teachers s lunch. Andami naming napag-meeting-ang ideas. Napagdesisyunan naming ni Mamu na gumawa ng panibagong class program dahil nahihirapan kami sa schedule namin. Hindi pa kami nabigyan ng kapalit ni Mamah. Kaya, after class, pumunta ako sa hideout. Pagkatapos ng lahat, hindi naming nagawa. Kahit bali-baliktarin, hindi talaga maaayos. Laging may conflict. Kaya naman, bukas na naman naming pag-uusapan na ilapit na lang ang problema kay Mah. Alas-nuwebe na ako umuwi. Enero 22, 2015 Napuyat ako kagabi. Siguro ay dalawang oras lang lahat ang tulog ko. Grabe! Epekto siguro iyon ng caffeine. Nag-coke at nagkape kasi kami kahapon. Idagdag pa ang iced tea. Gayunpaman, hindi ako naging antukin maghapon. Paano ba naman ako aantukin, e, pagkatapos kong magturo ng Math ay nag-TQC (Teachers Quality Circle) kami, with Mam Lolit. Antagal namin. Siguro alas-dos na kami natapos. Then, gumawa pa ako ng tatlong tarpapel na gagamitin namin sa parade bukas. Ito ay para i-announce ang Early Enrollment. Kaya lang, nainis ako sa kalat ng mga pupils ko kaya nagalit at nagsermon. Ipinatapon ko na rin ang mga panglinis, basurahan at ang mga inipon naming papel at plastic. Sinabi ko na simula Lunes ay kamay na ang gagamitin nila sa paglilinis. After class, nag-hideout ako. Kasama din si Plus One. Sinimulan ko doon ang narrative report ng TQC namin. Umuwi ako ng maaga dahil antok na ako. Six AM pa naman ang pasok namin bukas. Andami pang avtivities-- parade, awarding at outing. Hectic! Enero 23, 2015 Mabuti na lang nakatulog ako agad kagabi. Alas-singko kasi ako nag-alarm para sa maagang klase. Bitin nga lang. Pero, wala akong choice. Andami kasing activities. "Early Enrollment" Parade. May 19 akong pupils na pumasok, kaya hayahay. Nag-picture-picture. Masaya. Pagkatapos, iniwanan ko ang pupils ko. May pinagawa naman ako. Bumili kasi kami ni Mamu ng lulutuin at wine. Pagbalik ko, inutusan naman ako ni Mam Deliarte na magpagawa ng bouquet para kina Mareng Lorie at Ms. Kris. Hindi ko na naabutan ang mga pupils ko. Awarding ng demo teachers. Alas-dos na nagsimula. Dalawang oras ang lumipas bago kami nakabiyahe papuntang Kalipayan Resort. Outing/Birthday Celebration of Mam Deliarte. Past 5 na kami nakarating doon. Wala na nga ang ibang teachers. Nalungkot ako ng kaunti dahil bitin na ang oras para sa bonding. Gayunpaman, nasiyahan pa rin ako nang magpaiwan kami nina Lester, Mia, Pareng Joel, Mareng Janelyn, Jenny at Hermie. Nagkuwentuhan kami at nagtawanan. Then, nang pauwi na kami, sakay sa sasakyan ni Lester, nagkayayaan magbulalo sa Tagaytay. Food trip sa Tagaytay. First time ko sa Tagaytay. Kaya kahit gabi na ay na-appreciate ko ang lugar. Nag-enjoy din ako sa lamig. Nasarapan din ako sa bulalo. Na-enjoy ko din ang tawana, biruan at kulitan. Cool talaga ang biglaang trip. Gumastos lang kami ng P145 each. Sulit! Nakauwi ako bago mag-12. Enero 24, 2015 Sa lahat ng mga masteral students, ko yata ang pinakamagandang dumating sa CUP. Kung alam ko lang na mali-late si Dr. Yan, nagpa-late din ako. Inantok lang tuloy ako habang may nag-re-report. Boring kasi. Isa pa, kulang na kulang talaga ako sa tulog. Ilang araw na akong puyat. Mabuti na lang at active ako sa Educational Leadership. Nag-participate ako. Tinawag din ako ni Dr. Llamas kahit di ako nagtaas ng kamay. At, nasagot ko naman. Third period, umalis daw si Dr. PeƱalosa. Kaya, walang klase. Hindi ako nakapag-report. Okay lang. Wala naman talaga ako sa mood mag-report. Pumunta na alng ako sa Gotamco. Ibinigay ko kay Mam Lolit ang karagdagang graph sa kanyang action research. Napuri niya at ni Mam Deliarte ang gawa ko. Pero, I'm sure, hindi alam ni Mam na ako ang gumawa. Ayos lang! At least, nasuklian ko ang tulong sa akin ni Tita Lolit. Ang pagpasa niya sa akin ng kanyang titulo ay malaking ambag na niya sa career ko. Hindi ito kayang suklian ng kung anong bagay lang, kundi sa ganito ding paraan. Nagdilig ako ng mga halaman ko, pagkatapos kong maibigay kay Mam Lolit ang revised copy ng research. Then, hinintay na namin ni Ms. Kris si Sir Erwin. Iti-treat niya kasi kami ni Papang. Kaya lang nang malapit na siya, saka naman ako tinawag ni Mam Deliarte. Nasabi ko kasi sa kanya kahapon na i-edit namin ang Tambuli bago i-submit sa contest. Kanina, nagbago ang isip ko. Ayoko na sana na sumali kami sa paligsahan. Pero, gayunpaman ay ginawa ko kahit may lakad kami. Mabuti at natapos ko kaagad. Nang papunta na ako sa HP, tinawag naman ako ni Mam Bel. Isasama daw ako niya at ni Roselyn sa HP din. Kakain daw. Yari! Tinext ko kaagad si Ms. Kris. Good thing, pinapunta na lang niya ang dalawa. Merge na lang ang treat nila. Ayon! Enjoy ang kainan. Nagtawanan kami at nagkuwentuhan tungkol sa mga pangyayari kahapon. Marami palang mga alingasngas. Hindi ko alam. Sadya talagang kontrobersiyal ang bawat action at activity sa school. Kakatwa. Nakakapraning! Mabuti na lang at wala akong pakialam sa maga iyon. Alas-sais na ako nakauwi. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Naramdaman ko ito nang matapos ko ang pag-edit ng Tambuli. Nakadagdag pa ang puyat at stress sa paggawa ng TQC report. Hay, naku! Sana ako na lang ang grade leader o ang master teacher... Enero 25, 2015 Pasado alas-otso, pagkatapos kong magkape at tumungo ako sa school para maglinis at mag-ayos. May darating na mga bisita ngayong darating na week kaya kailangan kong pagandahing muli ang aking classroom. Nasimulan ko nang ilipat ang mga cabinet at mga tables nang magtext si Epr. Nakasara daw ang pinto sa labas. Hindi siya makalabas. Hindi ko naman iyon sinara. O baka nahila ko ang siradura nang di ko namalayan. Umuwi ako agad. Bandang alas-diyes lang iyon. Tapos, nagbanlaw ako ng mga binabad ko kagabi. At, pagkapananghalian, isinama ko si Epr sa school. Nagpagupit muna siya, saka siya tumulong sa akin sa paglilinis. Marami siyang naitulong sa akin. Kaya naman, natapos agad namin bago bandang alas-dos. Alas-tres ay nakauwi na kami. Hindi ako masyadong napagod. Iba talaga kapag may katulong Dati-rati, kapag naglilinis ako sa classroom ko, pagkatapos ay masakit ang katawan ko. Ngayon ay hindi ako nakaramdam niyon. Antok lang ang naramdaman ko. Bukas, mag-iiba na naman ako ng seating arrangement ng mga pupils ko. Bago na kasi ang puwesto ng mga upuan. Ang ganda na. Lumuwang. Masasabi kong ready na ako sa sinumang bisita. Gaya nang dati, malamang ang room ko naman ang ituturo nila. Okay lang. Enero 26, 2015 Nakahiga pa ako nang nagtext si Emily. Malapit na daw siya sa boarding house. Kagabi pa ay mag hint na ako na darating siya, kaya hindi na ako nagulat. Hindi ko lang expect nag anon kaaga ang dating niya. Wala akong nagawa kundi bumangon. Ang ingay niya. Andaming kuwento tungkol kay Ion. Natuwa naman ako. Kaya lang, hindi niya masaydong nagamit ang tablet na pinahiram ko kasi di nagchacharge. Hindi niya tuloy napicturan ng husto si Ion. Before ten ay nasa school na ako. Absent si Mamu. Kaya, walang palitan. Nasolo ko naman ang advisory class ko. Nagturo ako ng Math, Filipino, Character Education at EPP. Hapon, bago mag-uwian ay pinatawag ako ni mam Deliarte. Hindi daw naisubmit ang school paper namin dahil sa kung anong mang dahilan. Nainis ako at nalungkot, gayundin si Mam. Sayang daw ang effort namin. Gustong-gusto talaga niyang iasli sa NCR level contest ang diyaryo namin, kaya gumawa siya ng paraan. Pinakiusapan niya ako na ihatid ko sa DepEd NCR ang 15 copies nito. Kahit ayoko, tinanggap ko na lang. Ayaw kong biguin siya. Pumunta si Emily sa school. Okay lang. Pagkatapos naming mag-dinner ay agad kong hinarap ang TQC report. Bukas na daw kasi kailangan. Hayahay ang GL at MT naming kasama. Nakalibre sila. Suwerte talaga nila sa akin. Enero 25, 2015 Pasado alas-otso, pagkatapos kong magkape at tumungo ako sa school para maglinis at mag-ayos. May darating na mga bisita ngayong darating na week kaya kailangan kong pagandahing muli ang aking classroom. Nasimulan ko nang ilipat ang mga cabinet at mga tables nang magtext si Epr. Nakasara daw ang pinto sa labas. Hindi siya makalabas. Hindi ko naman iyon sinara. O baka nahila ko ang siradura nang di ko namalayan. Umuwi ako agad. Bandang alas-diyes lang iyon. Tapos, nagbanlaw ako ng mga binabad ko kagabi. At, pagkapananghalian, isinama ko si Epr sa school. Nagpagupit muna siya, saka siya tumulong sa akin sa paglilinis. Marami siyang naitulong sa akin. Kaya naman, natapos agad namin bago bandang alas-dos. Alas-tres ay nakauwi na kami. Hindi ako masyadong napagod. Iba talaga kapag may katulong Dati-rati, kapag naglilinis ako sa classroom ko, pagkatapos ay masakit ang katawan ko. Ngayon ay hindi ako nakaramdam niyon. Antok lang ang naramdaman ko. Bukas, mag-iiba na naman ako ng seating arrangement ng mga pupils ko. Bago na kasi ang puwesto ng mga upuan. Ang ganda na. Lumuwang. Masasabi kong ready na ako sa sinumang bisita. Gaya nang dati, malamang ang room ko naman ang ituturo nila. Okay lang. Enero 26, 2015 Nakahiga pa ako nang nagtext si Emily. Malapit na daw siya sa boarding house. Kagabi pa ay mag hint na ako na darating siya, kaya hindi na ako nagulat. Hindi ko lang expect nag anon kaaga ang dating niya. Wala akong nagawa kundi bumangon. Ang ingay niya. Andaming kuwento tungkol kay Ion. Natuwa naman ako. Kaya lang, hindi niya masaydong nagamit ang tablet na pinahiram ko kasi di nagchacharge. Hindi niya tuloy napicturan ng husto si Ion. Before ten ay nasa school na ako. Absent si Mamu. Kaya, walang palitan. Nasolo ko naman ang advisory class ko. Nagturo ako ng Math, Filipino, Character Education at EPP. Hapon, bago mag-uwian ay pinatawag ako ni mam Deliarte. Hindi daw naisubmit ang school paper namin dahil sa kung anong mang dahilan. Nainis ako at nalungkot, gayundin si Mam. Sayang daw ang effort namin. Gustong-gusto talaga niyang iasli sa NCR level contest ang diyaryo namin, kaya gumawa siya ng paraan. Pinakiusapan niya ako na ihatid ko sa DepEd NCR ang 15 copies nito. Kahit ayoko, tinanggap ko na lang. Ayaw kong biguin siya. Pumunta si Emily sa school. Okay lang. Pagkatapos naming mag-dinner ay agad kong hinarap ang TQC report. Bukas na daw kasi kailangan. Hayahay ang GL at MT naming kasama. Nakalibre sila. Suwerte talaga nila sa akin. Enero 27, 2015 Alas-5 ay tumunog ang alarm ko. Pinatay ko lang ito at pumikit uli ako. Alas-sais nang muli akong nagising. At pasado alas-siyete ay bumiyahe na ako papuntang Quezon City. Alas-8 pasado ay nasa DepEd-NCR na ako. Kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko. Nakaharap ko na si Mam Mayo na dati ay naririnig ko lang. Binigyan ako ng tsansa na maipasa ang school paper pero sa susunod ay hindi na raw. Pinasalamatan ko siya at pinangakuan na hindi na iyon mauulit. Natuwa ako dahil kinonsidera niya pa ang diyaryo namin. Nakarating ako sa school bago mag-alas-diyes. Naka-attend pa ako sa meeting ng mga school coordinators with Mam Llanes at Mam Evelyn. Pagkatapos, busy-busy-han kami sa pagtapos ng TQC report. Mabuti at dumating si Mam Ruth. May nag-take charge ng advisory class ko. Naipasa namin bandang hapon. Alas-sais y medya ay sumabay ako sa mga principals ng West at ilang supervisor sa pagpunta sa Star Movies Cafe. invited kasi ako sa blowout ni Ms. Kris. Kasabay din nito ang birthday blowout ni Mam Deliarte. Hindi ko na OP. Kasama ko kasi si Ms. Kris. Saka cool din si Sir Bob. Maganda rin pala na nakakasama sa ganun. At least nakikilala ako. Ang ganda ng venue. May mga cosplayer. Nagpe-perform sila every 30 minutes. Medyo, hindi nga lang masasarap ang pagkain. Konti pa ang menu. Gayunpaman, kakaibang experience ito. Lalo pa nang piktyuran ako ni Sir Torres at ma Evelyn. Naging photographer ko sila.Astig! Alas-nuwebe na ako nakarating. Enero 28, 2015 Nakulangan ako sa tulog kasi maagang nagising si Emily. May medical exam siya. Ginising pa ako para humingi ng isangdaan. Pero, maaga pa rin akong pumasok sa school. Ay demo kasi ngayon si Mam Ruth, Kailangan kong ihanda ang classroom. Nang nag-demo siya, nakita ko ang improvement niya. Nagustuhan ko ang mga instructional materials niya. Medyo di niya lang nabigyan ng emphasis ang kuwento. Kaya, nakakuha lang siya ng 97%. Minus iyong kabilisan niya sa pagtalakay sa kuwento. Gayunpaman, nagustuhan ko ang kanyang demo. Binati kami ni Dr. Bal'oro. After class, niyaya kaming mga hideouters na kumain. Treat niya kami. Dumating kasi siya after ng demo. Tinext ko rin siya dahil may check daw siya sa demo. Pag-uwi ko, nasa boarding house na si Emily. Nagpakulay ako ng buhok ko. Enero 29, 2015 Maaga akong nagising at naghanda para pumunta sa school. Bago mag-alas-otso ay nasa Gotamco na ako. Nakapagpalinis pa ako ng classroom sa mga pupils ko na isasama ko sa puppet show. Nakapag-FB din ako saglit. Past 8, bumiyahe na kami (10 pupils, si Sir Rey, Si Mam Vi at ako) papunta sa PZES. Eksakto ang dating namin. Nagsimula agad, pagkaupo naming. Maganda naman ang lecture tungkol sa pangangalaga sa mga katubigan. Na-enjoy ko rin ang puppet show nila. Past eleven ay nasa school na kami. Wala na namang palitan. Nakakatamad ang maghapon. Pero, nagturo akong sumulat ng sanaysay. Pinagawa ko din sila. Dumating si Emily sa school. Nakasalamuha niya ang mga kasamahan ko sa Grade 5, lalo na si Mamu. Parang pagod na pagod ako nang umuwi kami. Antok na antok ako. Sobra. Pero, di naman ako nakaidlip. Andami kasing kuwento ni Emily tungkol sa mga kumara at kumpare namin na naka-usap niya kanina. Enero 30, 2015 Nasa akin ang ilang estudyante ni Mam Rose. Wala kasi siya kanina. Halos, mapuno ang classroom ko. Nakakainis! Nakakawala ng drive magturo. Ayaw ko kasi na may backlog ako. Laging hindi even ang turo ko. May nauuna at may nahuhuli. Maghapon tuloy akong nagpagawa tungkol sa 'pang-ukol'. Maghapon din ako kakasermon, kahit nang pauwi na. Nagpasaway pa sa pagpila. Alas-singko ay biglaan akong niyaya ni Mia na manuod ng concert ss MOA ground. Although, napag-usapan namin iyon kahapon ay di ako nagseryoso. Parang ayaw ko kasi na gusto. Pero, kanina ay umoo ako. Kaya, pasado alas-sais ay nasa MOA na kami. May nakuhaan ng ticjet si Mia kaya nakamura kami. P150 lang ang General Admission, instead na P350. Niyaya ko si Epr pero di daw siya makakahabol. Nasa Cubao pa siya that time. Nalimutan ko namang i-text si Emily. Mga 7:30 ko na na-realize na di ko pala siya na-notify, nang hinahanap niya ako dahil sarado ang boarding house. Agad akong nag-reply na itinago ko sa malapit sa pinto ang susi. Nalungkot ako sa mga reply ni Emily. Para kasing bitter siya at di ako nakapagpaalam. Naging malumbay tuloy ako kahit napakadaya sa Fusion. Andaming OPM bands at artists na nag-perform pero di ako maka-relate dahil nga sa pag-iisip sa kanya. Hatinggabi na nang makatakas ako sa gayong scenario, lalo na nang nag-perform na si Bamboo, ang Parokya ni Edgar at ang Kamikazee. Super galing nila! Na-appreciate ko na rin sa wakas ang Kamikazee. Pasado alas-2 ng umaga ng matapos ang concert. Sinunod na ang party-party. May nagdi-DJ doon habang nagmi-mix. Pero, umuwi na kami. Dumating pala ang pinsang lalaki ni Mia, bandang alas-otso. Alas-3 na ako naka-uwi. Pagod pero masaya. Kakaibang experience. I have been part of the Fusion, the first Philippine Music Festival. Enero 31, 2015 Alas onse y medya na ako bumangon. Nakompleto ko naman ang tulog kaya di sumakit ang ulo ko. Hindi nga lang ako nakapasok sa first period ng masteral class ko. Mabuti na lang at wala talagang pasok sa second period. In-announce na noong Sabado pa. Nang pumasok naman ako, bandang ala-una y medya, wala ang prof ko sa third class. Alas-dos na, wala pa. Pumunta na lang ako sa Gotamco. Nag-text kasi si Mamah. May inilagay daw siyang ulam sa classroom ko. Nandoon din si Papang. Kaya pala, ay ipapagawa sa akin. Okay lang. Kayang-kaya ko naman, e. Nagawa ko bandang alas-kuwatro. Andami kong dalang ulam pauwi. Blessing din ang pagpunta ko sa school.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...